Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

LeBron James pumirma na sa Sixers

Tinapos na ni LeBron James ang lahat ng ispekulasyon nitong Sabado (oras sa Pilipinas) matapos nabunyag na pumirma na siya ng dalawang taong kontrata sa Philadelphia 76ers na nagkakahalaga ng USD8 milyon bago ang 24th season niya sa National Basketball Association (NBA).

Inanunsyo ng 41-anyos ang kanyang desisyon sa pamamagitan ng social media platform na X matapos ang ilang linggong pagninilay kung ipagpapatuloy pa niya ang kanyang karera.

“I needed to look at myself and decide if I still love this game,” ani James. “I still truly love this game, and I have more to give.”

“I believe I can help make the Philadelphia 76ers a championship team and I am so excited to energize a new fan base and start this incredible journey one last time.”

Ayon sa apat na beses na kampeon sa NBA, hindi pera o mga konsiderasyon sa pamilya ang naging batayan ng kanyang pasya. Sa tingin niya, ito na ang huling malaking hakbang sa kanyang karera bilang propesyonal na manlalaro.

“I’ve had an incredible few months with all the people I love trying to figure it all out. This is my last decision,” he said. “What am I really playing for at this point?”

Naging free agent si James matapos magpasiyang umalis sa Los Angeles Lakers, kung saan siya naglaro mula 2018 at tinulungan ang koponan na manalo ng kampeonato noong 2020.

Bilang unang overall pick ng Cleveland sa 2003 NBA Draft, pitong season sya sa Cavaliers bago lumipat sa Miami Heat noong 2010.

Nagwagi siya ng magkasunod na kampeonato kasama ang Miami noong 2012 at 2013, ngunit bumalik sa Cleveland noong 2014.

Makalipas ang dalawang taon, pinangunahan niya ang Cavaliers sa kauna-unahang nitong kampeonato sa NBA matapos ibangon ang koponan mula sa 1-3 laban sa Golden State Warriors sa best-of-seven finals.

Lumipat muli si James, sa Los Angeles Lakers naman, at naging unang manlalaro sa kasaysayan ng NBA na nanalo ng NBA Finals Most Valuable Player award kasama ang tatlong magkaibang koponan matapos pangunahan ang LA sa kampeonato noong 2020.

Dumating siya sa Philadelphia bilang apat na beses na kampeon sa NBA, apat na beses na Most Valuable Player ng liga, 22 beses na NBA All-Star, at all-time leading scorer ng NBA.

Mayroon din siyang tatlong Olympic gold medal (2008 Beijing, 2012 London at 2024 Paris) kasama ang pambansang koponan ng Estados Unidos.

Noong nakaraang season, nagtala si James ng average na 20.9 puntos, 6.1 rebounds, at 7.2 assists sa loob ng 60 laro — ang kanyang pinakamababang scoring average mula ng rookie season nya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles