Hindi man kalro kung ano ang pinagmulan ng kanilang tila gusot, pero malinaw sa mga nakakakilala sa kapwa award-winning men behind the cameras na may pinanggagalingan ang naging iringan nila sa FB o socmed accounts nila.
Nagsimula ito sa isang cryptic post ng kilalang cinematographer na si Neil Daza tungkol sa kung sino mang pinatatamaan niyang “lider manggagawa” sa showbiz. Kaugnay nga ang post sa isyu ng labor system o structure sa filmmaking o film production.
Sa post ni Daza noong Miyerkules, July 22, sinabi nito: “So much passion for making films, yet no passion to show up when it comes to labor issues.”
Hindi man binanggit ni Daza ang name ng kanyang pinatutungkulan, may mga nakapagpadala umano nito sa batikang direktor na si Erik Matti na agad namang nagbigay ng reaksyon.
Sey ng direktor sa reply-caption nito: “Ikaw na. Ikaw na ang tagapaglaban ng industriya, Neil Daza. Ikaw na ang sukatan kung sino ang may malasakit sa pelikula at sa labor. Nagreklamo ka. Nagkaroon ng meeting sa Film Academy (FAP). Mabuti. Karapatan mo ‘yan. At ginagalang ko yan.”
Ayon sa mga nagsanga-sanga ng balita at tsika ng ilang mga napagtanungan ng BISTADO, ang diumano’y inirereklamong isyu ni Daza ay may kinalaman sa usaping pagpayag sa mahabang working hours sa mga film set.
Base pa sa nakalap ng BISTADO, nagkaroon na pala ng pag-uusap ang magkabilang panig sa pamamagitan ng mediation ng naturang organisasyon, Kumbaga sa barangay, mayroon ng mga lupon na namagitan sa reklamong sinasabi.
Ang usapin sa hindi pagdalo sa meeting ay sinagot din ni direk Matti. Sey nito, “Hindi naman mandatory ang attendance ko sa meetings na ‘yan. Andiyan producer namin. Hindi ako pumunta. Marami akong ginagawa. Hindi ibig sabihin noon wala na akong pakialam sa industriya.”
Pagpapatuloy pa nito, “Alam kong ako ‘yan dahil galing ka lang sa FAP mediation at hinahanap mo kami ni Dondon. ‘Wag mo na daanin sa general statement. Alam naman ng lahat sa industriya na gigil ka sa akin. ‘Di naman ito ‘yung una mong hanash,” dagdag pa niya na ang tinutukoy ay ang matagal na niyang creative partner na si Dondon Monteverde.
Sa kabila ng palitan ng pahayag, inamin din ng direktor na mayroon siyang mga puna sa trabaho ni Daza, pero nilinaw niyang nananatili ang respeto niya rito.
Binanggit din nitong kapwa sila may hindi nagugustuhan sa trabaho ng bawat isa kaya’t sana man lang daw ay manatil silang nagrerespetuhan tungkol dito.
Hiniling din ni Direk Matti na huwag nang dalhin sa social media ang kanilang hindi pagkakaunawaan.
“Tapusin na natin ito sa FAP. ‘Wag mo dalhin sa social media. May reklamo ka na nga sa FAP, may patutsada ka pa sa FB. Dun na natin sa FAP tapusin. Kung manalo ka sa isyu mo, e di gud. Kung manalo kami, e di sorry,” dagdag pa niya.


