Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Atty. Jose Sison, the icon behind ‘Ipaglaban Mo,’ dies 

“Kapag may katuwiran, ipaglaban mo.”

Iyan ang naging pamosong linya ng programang may parehong title na nagsimula noong 1988 sa IBC 13, bago lumipat sa ABS-CBN 2 at nagpasikat kay Atty. Jose Sison, bilang main host nito.

Tumagal ito hanggang 2024, kung saan nga naka tandem ni Atty. Sison ang anak na si Atty. Jopet.

Malungkot na balita nga ang bumungad sa mga nagmamahal at nakakilala kay Atty. Sison dahil pumanaw na ito sa edad na 88 nitong July 23.

Sa isang FB post na ipinahayag ng kanyang anak na si Atty. Jopet Sison, kinumpirma nitong yumao na ang ama.

“We are comforted that he lived a full life as a lawyer, a husband to Josie, a father to his six children, and a grandfather to his sixteen grandchildren. Please keep him in your prayers and remember him with love and fond memories,” bahagi ng anunsyo ni Atty. Jopet na naka tandem din ng ama nang bumalik sa ere ang show noong 2015.

Naging malaking bahagi ang Ipaglaban Mo show dahil naging boses din ito ng mga pilipinong biktima ng kakulangan o kawalan ng hustisya.

Lahat ng mga kasong ipinapalabas sa programa ay mula sa mga existing cases sa Court of Appeals of the Phils.

Isa ito sa mga pinuring show sa TV ng iba’t-ibang grupo at ahensya, mapa- gobyerno, eskuwelahan at pribadong mga organisasyon na nagausulong ng maayos na justice system sa bansa.

Minsan na rin itong nagkaroon ng movie version kung saan ipinalabas ang ilang mga piling episodes at kalauna’y naging award-winning film at nagbigay din ng awards sa mga gumanap sa mga episodes nito.

May espesyal na inihahanda ang ABS-CBN para alalahanin ang naging makulay at makabuluhang legasiya ni Atty. Jose Sison at ng Ipaglaban Mo.

Kasalukuyang nakaburol at may lamay ang pamosong host sa Ascension Chapel ng Immaculate Conception Cathedral sa Cubao Quezon City,  simula ngayong July 24.

Nakatakda naman siyang ihatid sa kanyang huling hantungan ngayong July 28 sa Heaven’s Gate 1 Park sa Antipolo City.

Taus-pusong nakikiramay ang BISTADO sa mga naulila ni Atty. Jose Sison.

Mananatiling bagagi ng buhay ng bawat pilipino ang mga katagang, “kapag may katuwiran, ipaglaban mo.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles