Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sesyon ng Kamara, impeachment trial ni VP Sara hindi magbabangga – House prosecutor

Kayang pagsabayin ng House prosecution panel ang pagbabalik-sesyon ng Kongreso at impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay House prosecutor at 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez nitong Miyerkules.

Sinabi ni Gutierrez na dati nang hinahati ng mga prosecutor ang kanilang oras sa paghahanda sa paglilitis at paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan kahit recess ang Kongreso.

“As it is, even before session, divided na rin po talaga ‘yung time ng prosecution. We still have our constituents to serve. So, I think it should be very, very much manageable,” ani Gutierrez sa press briefing.

Inaasahan niyang maliit lamang ang magiging adjustment sa oras sa muling pagbubukas ng sesyon.

“I think there won’t be that big adjustment. The only adjustment really would be ‘yung physical adjustment natin,” aniya.

Magbubukas ang Second Regular Session ng Kongreso sa July 27. Dahil dito, inaasahang ililipat ang pagdinig ng Senate impeachment court mula alas-2 ng hapon sa dating iskedyul patungong alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon tuwing Lunes hanggang Miyerkules.

Hindi pa agad susundin ang regular na iskedyul sa susunod na linggo dahil sa Miyerkules lamang nakatakdang magpulong ang impeachment court. Pagkatapos nito, babalik ang pagdinig sa Lunes hanggang Miyerkules na iskedyul.

“I don’t think so. Like I mentioned, as it stands, even before the session coming in, patuloy pa rin naman po ‘yung trabaho ng mga prosecutors as congressmen. And I see it would be the same even with session resuming,” ani Gutierrez nang tanungin kung makaaabala ang trial sa legislative work.

Maaari pa umanong mapadali ang iskedyul dahil mababawasan ang paghahati ng oras ng mga prosecutor sa trial at pagbiyahe patungo sa kani-kanilang distrito.

Sinabi naman ni Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V na posibleng humaba ang trabaho ng Kamara habang nagpapatuloy ang paglilitis.

“Well, at least naman po medyo mas may flexibility kasi may schedule na. Kumbaga time management na lang po. But siguro makikita natin na medyo mag-o-overtime po ang House of Representatives lalo ‘pag nag-start na po ‘yung session,” ani Ortega.

Ayon sa kanya, mas mahirap ang pag-aayos ng iskedyul noong recess dahil kailangang hatiin ng mga mambabatas ang oras sa trial at constituency work. Nanatili namang bukas ang kanilang district offices para tugunan ang pangangailangan ng mga residente. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles