Ayon sa mga netizen na nai-stress na rin kay Kim Chiu, halatang-halata daw na ipinaglalaban talaga ni Kim ang kanyang mga fans/supporters kahit pa nakakabangga na ng mga ito ang gaya ni Vice Ganda.
Dahil nga sa hindi lang nabanggit ni Vice Ganda sa kanyang thank you speech si Kim nang parangalan siya ng 1st FAMAS Broadcasting awards bilang Best Noontime Show Host, binaha na si Vice ng mga bashing, sumbat at kung anu-ano pang negative reactions mula sa mga fans ni Kim.
Hindi ito pinalampas ni Vice at rumatrat din sa kanyang socmed expressing her disgust to what she called, “toxic fans, delulu, entitled at sobrang ka-cheapan.”
Sa kanyang socmed account ay sumagot naman si Kim na para sa kanya ay hindi naman yun matatawag na ka-cheapan dahil aniya, “pagpapakita lamang yun ng pagsuporta at pagmamahal sa iniidolo nila.”
“Initial reaction siguro sa sobrang suporta at protective sila,” bahagi pa ng pagtatanggol ni Kim na tiningnan naman ng maraming netizen na sagot nga ng It’s Showtime co-host bilang sagot sa ratrat ni Vice.
Although kapwa klinaro nina Vice at Kim na wala silang isyu sa isa’t-isa at sa katunayan ay magka-text o magka-chat pa sila habang nagaganap ang bashing at replies nila sa mga supporters o bashers nila.
Sa mismong program din ay humingi ng pasensya si Vice sa hindi niya pagkakabanggit ng name ni Kim bilang isa sa mga hosts ng It’s Showtime gayung halos lahat ng major hosts at ultimo daw ang mga baguhang sina Ralph de leon at Brent Manalo ay binanggit ni Vice.
Ayon naman sa ilan, tila gumagawa lang ng usapin ang dalawa para muli silang mag-viral at magka-interes uli ang mga tao na manood sa kanila at the expense of their own supporters and bashers.
Marami naman ang naniniwalang need nga daw na kampihan ni Kim ang kanyang mga fans dahil takot itong malaos o mawalan ng supporters bilang malaking lifeline para sa mga artista ang may solid na fan base.
Pero maugong na maugong din ang tsismis na baka nga daw inu-unti unti o dina-dahan dahan ng produksyon ang very soon na pag-tsugi kay Kim sa show.
Nasa Australia ang ilan sa mga hosts ng It’s Showtime gaya nina Ogie Alcasid, Darren at Kim dahil parte sila ng ASAP show doon. Sigurado naman daw na susunod doon si Kim dahil nandun na ang napapabalitang boyfriend nitong si Paulo Avelino.


