Simula ng mag-viral ang ginawang pag-repost ni Joshua Garcia ng isang video showing the defense team of VP Sara Duterte at pag-like niya din sa mga ito, hindi na tinantanan ng batikos ang aktor.
Nitong Martes, July 21, mapupunang wala na ito, tinanggal na at naka-unfollow na din ang aktor sa mga socmed accounts nina VP Sara pati na nina Senator Alan Peter Cayetano pati sa ilan umanong mga identified sa mga Duterte.
“Hmmm. something went on. Halata namang napagsabihan o nakatikim ng opisyal na memo si Joshua mula sa management ng ABS-CBN. Baka nag-worry sila uli na maka-apekto ito sa mga future shows o projects ng artist nila,” komento ng mga netizen na nagsabing nito lamang July 22 nawala ang naturang repost at likes ni Joshua.
Dagdag pa ng mga very observant netizen, “gawain talaga ng Kapamilya ang ganyan. Look at what they did to their own show Blood versus Duty. Simula ng batikusin sila at bahain ng mga reklamo sa pagkuha nila kay Sen. Robin Padilla para maging cast member ng series, ipinakalat nila ang tsikang bumagsak ang ratings nila at nabawasan ang subscribers ng ibang platforms nila kung saan napapanood ang series. Ang ending, kahit hindi pa siguro matatapos ang kuwento ng series, hayun at biglang nag last-week na (this July 20-24).
Ganyan magmanipulate at maniwala sa audience nila ang ABS-CBN. Sa numero at engagement sila laging tumitingin.”
Marami ang naghihintay na magsalita o makuhanan ng kanyang pahayag si Joshua tungkol sa tila biglaan umano nitong pagtanggal at pag-unfollow at pag-unlike sa mga posts na may kinalaman sa ongoing impeachment trial ni VP sara Duterte.


