Itataya ng Phoenix Super LPG at Blackwater ang malilinis nilang kartada sa pagpapatuloy ng PBA Season 50 Governors’ Cup ngayong Martes sa Ynares Center sa Antipolo.
Unang magsasalpukan ang Bossing at Meralco Bolts simula 5:15 p.m., na susundan ng pagtatagpo ng Fuel Masters at Rain Or Shine Elasto Painters sa tampok na laro 7:30 p.m., parehong mga laro sa Group B.
Dala ng Phoenix ang kumpyansa mula sa 3-0 simula nito, habang nakalugmok ang Rain or Shine sa 0-2 matapos ang 108-131 pagkatalo sa Blackwater at 114-122 sa Meralco.
Ang Phoenix ay galing sa 81-78 panalo kontra Commissioner’s Cup champion Barangay Ginebra noong Linggo. Tampok doon ang debut ni Gian Mamuyac mula sa Rain Or Shine.
Nagtala si Mamuyac ng anim na puntos, tatlong assists at isang rebound sa loob ng 18 minuto.
Ngayon ay haharapin niya ang koponang kumuha sa kanya bilang 5th overall pick noong 2022 at naging tahanan niya sa buong karera sa PBA hanggang noong nakaraang linggo.
Sabik namang makabawi ang Elasto Painters matapos silang tambakan ng Bossing noong Hulyo 11.
Hindi itinago ni coach Yeng Guiao ang kanyang pagkadismaya, hindi lamang sa resulta kundi maging sa paraan ng kanilang pagkatalo.
“Not only because we lost, it’s the way we lost. The lead was too big. We could only wish that it was a close game so that you could give yourself a chance to win. That would have been okay, but we had no chance of winning the game until the end,” ani Guiao.
Ayon kay Guiao, natalo ang Rain or Shine sa mismong istilo ng larong nais nilang ipatupad.
“The pace of the game favored them. We’re the team that’s supposed to be getting out in transition and running our fast game. But they got ahead of us in that area,” dagdag nya. “They were shooting the ball well. We were turning the ball over too many times in the first quarter and first half.”
Ngayo’y, haharapin ng Rain Or Shine ang Phoenix na may napakalakas na simula matapos talunin ang Magnolia, Meralco at Barangay Ginebra.
“We’re happy we’re racking up wins. We hope to be able to sustain the run and hopefully we can sneak into the playoffs,” ani Phoenix coach Charles Tiu.
Sa unang laro, sinabi ni Meralco coach Luigi Trillo na hindi imposibleng makapagtala pa ng panibagong upset ang Blackwater (2-0).
Pinuri niya rin ang mahusay na trabaho ni Bossing coach Patrick Aquino at ng import na si Kentrell Barkley.
“Coach Pat he’s been a long-time national coach, and now he’s got those guys playing together, they understand the game more,” ani Trillo. “I think Barkley, he’s like a PBA old school import. He faces the basket, he brings a lot of confidence.”
Bagama’t naniniwala si Aquino na masyado pang maaga upang pag-usapan ang posibilidad ng pagpasok sa playoffs, iginiit niyang ang pangunahing layunin ng Bossing ay alisin ang matagal nang tatak ng koponan bilang isa sa mga kulelat.
“I think it’s about time that we take a look at Blackwater. That’s our motto right now. We try to compete with all of them,” ani Aquino matapos ang 89-81 panalo sa Magnolia noong Biyernes.
Sa panalo kontra Rain Or Shine, nanguna si Antonio Hester, na pumalit sa nasugatang si Jordon Varnado, na may 21 puntos at siyam na rebounds, habang nag-ambag si Jason Brickman ng 19 puntos, kabilang ang siyam sa third quarter kung saan tuluyang nakontrol ng Bolts ang takbo ng laro.
Sinabi ng 34-anyos na rookie na inaasahan niyang magiging mabigat ang hamon para sa kanya at sa kapwa nya mga guard laban sa Blackwater, na umaasa rin kina Sedrick Barefield, Dalph Panopio at RK Ilagan.
“I think Blackwater has a lot of good guards so it’s going to be a tough matchup on both ends, offense and defense. But looking forward to the challenge,” ani Brickman, ang No. 7 overall sa draft. “They’re 2 and 0 and they’re playing good basketball so we have to play well to win.”


