Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Cashless bayaran pinabilis ng libreng Wi-Fi sa Tuguegarao

TUGUEGARAO CITY – Mas mabilis nang makapagbayad nang cashless ang mga mamimili sa Mall of the Valley matapos palawakin dito ang libreng internet ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Bahagi ang pasilidad ng Free Public Internet Access Program sa Region II at suporta sa paglulunsad ng Paleng-QR Ph Plus ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Layunin nitong bawasan ang aberya sa digital payments na dulot ng mahina o putol-putol na internet. Kapag mabagal ang koneksyon, naaantala ang bayaran, humahaba ang transaksyon at nababawasan ang pagkakataong makabenta ang mga negosyante.

Sa Free Wi-Fi for All, mas madali nang gumamit ng QR codes at iba pang digital payment services ang mga mamimili, tindero at transport operators sa pampublikong pamilihan.

Pinangunahan nina DICT Secretary Henry Aguda, BSP Tuguegarao Branch Area Director Eva Lynne Marcos at Tuguegarao City Mayor Maila Rosario Ting-Que ang pagbubukas ng serbisyo.

Target ng programa na gawing mas mabilis at maayos ang cashless transactions sa pamilihan, lalo na para sa maliliit na negosyante at mga mamimiling umaasa sa libreng internet. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles