Pagkalipas ng halos tatlong taon nilang boyfriend-girlfriend relationship, proud nang inanunsyo nina Cong, Luigi Villafuerte at Yassi Pressman ang kanilang engagement.
“Ini-expect naman talaga ng lahat na mauuwi din sila sa kasalan soon. Bagay na bagay din naman sila bilang couple at hindi maitatangging mahal nila ang isa’t isa,” korus ng mga netizen na noon pa sinubaybayan ang love story ng dalawa.
Hindi lamang ilang beses na naintriga si Yassi dahil sa gitna ng kanyang mga activities sa showbiz ay nagawa talaga niyang laging pumunta sa Camarines Sur, kung saan nakabase ang boyfriend na Congresman nga ng second district ng naturang lalawigan.
Kung pagbabasehan ang mga lumabas na larawan nila sa kani-kanilang socmed accounts, ang proposal ay naganap habang sila ay tila nakabakasyon sa isang lugar na masasabing very romantic.
Parang eksena sa sine ang expression ni Yassi nang sumagot ito ng “yes” after i-pop out ni Luigi ang tanong kung handa na itong maging Mrs. Yassi Villafuerte. Sa viral ngayong video, makikitang umiiyak at emosyonal si Yassi, na kinagigiliwan ng mga tagahanga.
Sa isang bahagi pa ng video ay makikitang ipinagmamalaki ni Yassi ang makinang na diamond engagement ring na nilagyan niya ng caption na “guess what?”
Sa kanyang Instagram account naman ay ipinagmalaki ng Congressman ang pangyayari at nilagyan naman niya ito ng caption na, “Our greatest adventure.”
Although wala pang anunsyo ng kanilang pormal na kasal, marami ang nagsasabing sa Bicol ito gagawin within the year kung saan naging halos official resident na si Yassi at dito na nagpa-rehistro at bumoboto since naging very active siya sa political career ni Luigi.
May mga naglabasan pa ngang tsika dati na niregaluhan na ni Luigi ng lupain si Yassi bukod pa sa regular nitong kuneksyon sa mga entertainment and sports activities na pinu-produce at ini-isponsoran ng mga Villafuerte at mga kaalyado sa pulitika.


