Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pinuno PABLO ng SB19, tagumpay ang “The MIDDLE” prelude concert

Kagaya ng dapat na asahan, naging isang malaking tagumpay ang isinagawang The Middle prelude solo concert ni Pablo Nase, o simply PABLO ang lider o pinuno ng SB19.

Naganap ang naturang show last Friday, July 17 sa The Crossroad Center sa Quezon City, kung saan nga nag-debut  ang kanyang latest single na ‘USAD’ na tumatalakay sa pag-move forward ng isang tao.

Ang “The Middle: A Prelude,” ang magsisilbing opening salvo ni Pinuno Pablo para sa mas malalaking concert na kanyang gagawin ngayong December at sa mga susunod pang leg sa buong bansa o maging out of the country.

Prinodyus  ito ng 1Z Entertainment, ang kumpanyang namamahala sa SB19 at si Pablo nga ang nagsisilbi din nitong Presidente..

Gaya ng inaasahan, punumpuno ang venue at tunay namang naibigay ni Pablo ang hinahanap sa kanya ng mga ka-A’tin.

Ang kanyang mga kasama sa SB19 na sina Josh, Stell, at Justin ay namataan sa audience na nakiki-saya at nag-eenjoy sa mga ginagawa ng kanilang pinuno on stage.

Other notable industry friends in attendance to show their support included hitmaker Maki, OPM icon Gary Valenciano, at ang fellow 1Z artist niyang si J2X

“Maraming maraming salamat sa inyong lahat. Salamat sa paghihintay. I just want to enjoy this night, thus celebration with you,” sigaw ni Pablo.

Ilan pa sa mga pinerform ni Pinuno sa show na well-received at talagang pinalakpakan at halos iniyakan ng mga fans ay ang mga awiting: “Tambol,”  “Puyat,” “Kumunoy,” “The Boy Who Cried Wolf,” at “Micha!”

He also sang SB19’s “Nyebe,” as well as a cover of “Last Hope” by Paramore and  “What a Beautiful Name” by Hillsong Worship.

“‘The Middle.’ Napaka-komplikadong konsepto nito para sa’kin. Para akong nasa push and pull relationship,” ang bahagi ng naging paanyaya ni Pablo sa mga tagahanga o mga Ka-A’tin o ka-Mahalima, ang solid na army ng SB19.

Paliwanag ni Pablo kung bakit ipu-push nila ang Middle title concert, “Ironic kasi middle child ako, pero most of my life, I’ve been trying to avoid taking that space. Kahit ngayon na solo ako, part of me still feels like I shouldn’t grab too much attention. Parang minsan, hindi ko alam kung deserve ko ba talaga.”

“People keep telling me I deserve the things I’m achieving. Pero ang hirap paniwalaan kapag ikaw mismo, ang dami mong doubts sa sarili mo. So this time, I’m choosing to stand here. This time, I’m taking the Middle. Because if I want to remind people of their greatness, I need to remind myself first na meron din ako nun,” saad pa ni Pablo.

Dugtong pa ni Pinuno,  “Gusto ko po pakilala si Pablo, kung ano musika ni Pablo, kung ano si Pablo,” he said. “Hindi ko maexplain nararamdaman ko.”  

Bilang solo artist, nakapag-rilis si Pablo ng double album “Alon” at Laon” noong 2024. Naging coach din siya sa “The Voice Kids Philippines” na umere sa GMA 7.

Last March naman ay nirilis ang SB19’s latest album nilang “Wakas at Simula,” pagkaraan nilang magkaroon ng worldwide concerts na pulos sold-out.

Nakatakda din silang mag-perform at the Lollapalooza and the Grammy Museum for Global Spin Live this July.

Ngayong August, SB19 will hold a thanksgiving fan meet in the United States and Japan. The group will also perform at the Summer Sonic in Tokyo and Osaka.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles