Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Beermen nakaligtas sa ragasa ng Dyip, 2-0 na

Depensa ang nagdala sa San Miguel Beer upang makaligtas sa palaban na Terrafirma, 109-104, sa PBA Governors’ Cup sa Ynares Center sa Antipolo nitong Sabado.

Pinangunahan ng import na si George King ang lahat ng scorer sa kanyang 37 puntos at 14 rebounds, tampok ang apat na sunod na puntos na nagbigay sa Beermen ng 105-104 na kalamangan, may 39.1 segundo pang nalalabi.

Gayunman, ang agaw nina King at CJ Perez, kasama ang matibay na depensa ng koponan sa huling 48 segundo, ang naging susi sa 2-0 simula ng SMB.

Laglag naman ang Terrafirma sa 1-3 matapos ang ikatlong sunod na kabiguan sa Group A.

“At the end of the day it was the defense that got us the win tonight,” ani Peter Martin, na humalili sa ikalawang sunod na laro bilang head coach para sa maysakit na si Leo Austria.

Pinuri rin ni Martin ang Dyip, na patuloy na lumaban sa kabila ng pagkakahabol mula sa 22-puntos na pagkakaiwan, 68-46, sa unang bahagi ng third quarter.

“Now we can say a win is a win. I think they outhustled us, they outplayed us, they outcoached us. The coaching staff of the other side was better than me today,” ani Martin.

“Hindi kami nagkulang sa paalala (We were not lacking in reminders) because in the dugout, that’s the first thing we told them. We reminded them that Terrafirma came back from 20 points down in the fourth quarter against two teams, NLEX and Converge.”

Sapul ni Juami Tiongson ang kanyang ikalimang three-point shot sa laro upang ilagay ang Dyip sa unahan, 104-101, may 1:21 pang nalalabi.

Ngunit matapos ipasok ni Perez ang isa sa dalawang free throws upang gawing 106-104 ang iskor, nasayang ang pagkakataon ng Terrafirma na tumabla sa huling 4.4 segundo nang maagaw ni Perez ang inbound pass ni Maverick Ahanmisi na para kay Tiongson.

Tinuldukan nina Perez at Don Trollano ang laban sa pamamagitan ng kanilang mga free throw.

“We were fortunate there. It could’ve easily been Terrafirma before you guys today,” ani King. “Luckily our defense at that moment turned up.”

Pinangunahan ni Justin Strings ang Dyip sa kanyang 28 puntos at 12 rebounds, habang nagdagdag si Tiongson ng 27 puntos at si Maverick Ahanmisi ay may 20.

Si Tiongson at rookie na si Chris Miller ay ipinagpalit ng Beermen kapalit nina Jerrick Ahanmisi at Paolo Hernandez.

Samantala, sisimulan ng Commissioner’s Cup champion na Barangay Ginebra ang kampanya nito para sa ikalawang sunod na kampeonato sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City ngayong Linggo.

Ngunit wala muna si Justin Brownlee, na nagpapagaling pa mula sa hamstring strain, peroneal tendinopathy at cartilage damage sa kanyang tuhod.

Hindi rin makakalaro si Scottie Thompson sa unang ilang linggo ng Governors’ Cup upang tuluyang makarekober mula sa left hamstring injury na kanyang natamo sa Commissioner’s Cup playoffs.

Aasa si coach Tim Cone kay Riley Grigsby, na personal nyang ni-recruit sa Estados Unidos, sa kanilang 7:30 p.m. na laban kontra sa wala pang talong Phoenix Super LPG (2-0).

The scores:

First Game

SMB 109 – Kings 37, Perez 22, Trollano 17, Ahanmisi 9, Brondial 8, Tautuaa 6, Cruz 6, Fajardo 2, Hernandez 2, Cahilig 0, Ross 0.

TERRAFIRMA 104 – Strings 28, Tiongson 27, Ahanmisi 20, Paraiso 10, Chiu 9, Bravo 8, Mariano 2, Umali 0, Catapusan 0, Eriobu 0.

Quarters: 22-15; 66-46; 81-73; 109-104

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles