Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Blackwater, Converge nais sumosyo sa liderato ng PBA Govs’ Cup

Matapos ang dominanteng panalo sa unang laro, target ng Blackwater Bossing makisali sa liderato ng Group B sa pagharap nila sa Magnolia sa PBA Season 50 Governors’ Cup sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila ngayong Biyernes.

Determinado ang Bossing na makuha ang 2-0 kartada sa laban simula 7:30 p.m. upang sundan ang pagdurog sa Rain Or Shine noong Sabado, 131-108.

Tatabla ang Blackwater sa Phoenix Super LPG kung papalarin.

Ang Hotshots ay galing sa 86-98 pagkatalo sa Phoenix noon ding Sabado matapos sayangin ang 16 puntos na kalamangan.

Hindi nag-aksaya ng oras si Kentrell Barkley sa pagpapakilala ng kanyang sarili sa liga, matapos magtala ng 29 puntos, 15 rebounds at 10 assists.

Umiskor din sina Sedrick Barefield ng 24 puntos, RK Ilagan ng 22 at Dalph Panopio ng 19 kontra Elasto Painters.

“I know it’s at the back of our minds but that’s the past already,” ani Blackwater coach Pat Aquino. “We were aggressive from start to finish. Hopefully, this good start will continue.”

Sasagupa naman ang Magnolia sa pamamagitan ng import nitong si KJ Buffen, ang 6-foot-5 na dating Most Valuable Player sa Indonesian league.

Umiskor siya ng 18 puntos sa unang quarter, kabilang ang perpektong 4-of-4 sa three-point area, upang tulungan ang Hotshots na makuha ang 36-25 kalamangan.

Sa unang laro simula 5:15 p.m., layon ng Converge ang mas komportableng panalo habang umaasang sapat ang kanilang mga naging adjustment upang malampasan ang Macau sa Group A.

Nais sungkitin ng FiberXers ang ikatlong sunod na panalo sa tatlong laro at pantayan ang NLEX Road Warriors.

Sa kabila ng pagkakaiba ng katayuan ng dalawang koponan dahil 0-2 ang Macau, iginiit ni Converge coach Dennis Pineda na hindi nila mamaliitin ang guest team.

“Same thing, we have to prepare. In this kind of league, hindi naman po tayo pwedeng magtiwala,” ani Pineda.

“Even if I have this kind of setup, mga bata, kailangan pa rin hong pinaghahandaan every opponent. So by tomorrow practice pa rin po kami nito.”

Muntik masayang ng FiberXers ang 16 puntos na kalamangan sa third quarter bago makalusot sa Terrafirma, 105-103, noong Miyerkules.

Habang kinilala ang ipinakitang determinasyon ng Dyip, itinuro rin ni Pineda ang dalawang puntos lamang ng import na si Jalen Hudson bilang malaking dahilan kung bakit naging dikit ang laban.

Si Hudson ay may average na 11 puntos sa dalawang laro matapos tumira ng kabuuang 8-for-29 mula sa field. Pinuri nya ang Terrafirma dahil sa mahusay nitong paghahanda.

Noong 2023, nag-average siya ng 33.8 puntos, 9.3 rebounds at 4.1 assists sa anim na laro para sa TNT.

“I got to give credit to that team. They were ready for our schemes, they were ready for our plays,” sabi ng 30-anyos na import.

“I felt like this game was more of an assists game, more of a contributing game. But I got TO give credit to them, they knew our sets, they knew our plays.”

Sa parte ng Macau, umaasa si coach Marcus Elliott na mas mapabilis ang kanilang teamwork.

Ang import na si De’Vondre Perry ay may average na 25.5 puntos at 15.5 rebounds, habang umaasang masusundan ni Damian Chong Qui ang kanyang 35 puntos sa 109-123 pagkatalo laban sa San Miguel Beer noong Martes.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles