Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Regal Studio Presents, magbibigay-aral tungkol sa tunay na kagandahan

Hatid ng Regal Studio Presents ngayong Linggo ang isang kuwentong magpapatunay na ang kabutihan ang tunay na nagpapaganda sa isang tao.

Tampok sa episode na “Maldita Girl” sina Shayne Sava at Reynold Tan bilang sina Veronica at Ralph.

Dahil itinuturing na pinakamagandang dalaga sa bayan, naniniwala si Veronica na ang kanyang kagandahan ay sapat na dahilan para sa kanyang pagiging masama sa ibang tao. Ang kanyang motto sa buhay: “Magmaldita nang naaayon sa ganda.”

Ngunit dahil sa kanyang kayabangan, kinamumuhian siya ng lahat, lalo na ng mga binu-bully niya dahil hindi niya umano kasing ganda. Sa kagustuhang sumikat at makakuha ng maraming views bilang vlogger, susubukan niya ang isang misteryosong app.

Maisusumpa siya na sa loob ng 24 oras ay maglalaho ang kanyang kagandahan. Para mabasag ang sumpa, kailangan niyang makakuha ng puntos sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.

Sa challenge na ito, may isang handang tumulong sa kanya—walang iba kundi si Ralph, ang kanyang matalik na kaibigan na lihim na umiibig sa kanya.

Sa simula, sasamantalahin ni Veronica ang nararamdaman ni Ralph upang mabasag ang sumpa. Pero kalaunan ay matutuklasan niyang mas magaan at mas masarap sa pakiramdam ang pagiging mabuti.

Kapag natapos ang sumpa, pipiliin ba ni Veronica na manatiling mabait, o babalik siya sa dati niyang ugali?

Huwag palampasin ang Regal Studio Presents tuwing Linggo, 2:00 p.m. sa GMA-7.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles