Kahit nag-win ang love between Bea Alonzo at Vincent Co, hindi pa rin huminto ang mga kaugnay na usapin sa naging union nila.
Kahit nagbubunyi ang mga supporters nila lalo’t mismong si Bea ang nagbibigay ng updates at nag-po-post sa socmed ng mga naganap sa very intimate and simple civil wedding nito kay Vincent, still maraming related tsika ang lumabas against it.
Una na nga diyan ang isyu tungkol sa item na mismong ang ina daw ni Vincent ang hindi makatanggap ng pangyayari kaya’t ipina-alis daw nito ang mukha ng anak na si Vincent sa isang importanteng business event na dapat ay kasama ito o pinamumunuan nito.
May tsika ding umiikot na may mga dapat na business dealing si Vincent sa ilang foreign partner nila na inalis sa kanya ng magulang at ibinigay na umano sa iba.
Bago pa man ang nasabing civil union ay umikot na din ang tsikang may sakit ang parents ni Vincent kaya’t imposible daw talagang makadalo ang mga ito, kasama na ang ilan pa nilang trusted relatives/business friends.
Sa panig naman ni Bea, balitang ipinaubaya na lang ng ina ni Bea at mga kaanak ang desisyon sa aktres dahil alam daw nilang hindi ang klase ni Bea ang magpapa-dehado sa mga usaping yaman at prinsipyo.
Kahit ang business manager ni Bea na si Ms. Shirley Kuan ay muling nilinaw na pagdating sa usaping puso o personal na buhay ng aktres ay never siyang nangialam o nanghimasok at all.
After ng naganap na intimate dinner after ng wedding sa sala ni Makati Mayor Nancy Binay, balitang hindi na muna magkakaroon ng ‘planned honeymoon’ sa abroad sina Bea at Vincent.
“Tatapusin muna ni Bea ang trabaho sa GMA 7 para sa kanyang bagong teleserye, Si Vincent naman ay balik trabaho din,” pakli ng BISTADO source na nagsabi ding may “common place” ang dalawa na pansamantala daw nilang magiging “lovenest” as husband and wife.
Samantala, lahat ng nasa showbiz at ang mga common friends nina Bea at Vincent ay patuloy pa ring nagbibigay ng “Congratulatory at Well-Wishes” sa bagong kasal.
Kasama na rito ang mga co-stars ni Bea sa recent teleserye niyang ginagawa.
Ito ang political thriller series titled “Whispers from Heaven,” kung saan kasama sina Tom Rodriguez, Maricar Reyes, Jason Abalos, at Cassy Legaspi, under directors Zig Dulay at Jorron Lee Monroy, mula sa GMA 7.
Ang mga netizen naman ay positibo at masaya ang reaction lalo’t of age na nga ang dalawa, Bea at 38 habang 45 na si Vincent.


