Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Angel Locsin, may ‘hanash’ kay Sen. Robin Padilla

Bigla ding sumabog ngayong Huwebes ng madaling-araw, Hulyo 16, ang paglabas ng saloobin si Angel Locsin kaugnay ng naging deklarasyon ni Sen. Robin Padilla na siya ay isang “komunista.”

Matagal ng inactive sa showbiz si Angel subalit madalas siyang nagpaparamdam sa social media kapag siya’y may nais na ipahayag o suportahan gaya nung huling beses na nanawagan siya ng suporta para sa anak-anakang si Joaquin Arce, anak ng kanyang mister ngayong si Neil Arce.

Pumasok noon sa PBB si Joaquin at sinuportahan ito ni Angel.

This time, si Sen. Robin Padilla naman ang kanyang kinakalampag dahil sa naturang pahayag nitong isa siyang ‘komunista.’ Tinatawag na “hanash” (personal litany) ang showbiz term nang ginawa ni Angel.

Ang pahayag ni Robin ay nag-ugat sa isang bahagi ng on-going na ‘impeachment trial” kay VP Sara Duterte sa Senado, kung saan isa si Robin sa mga Senator-judges.

Sa FB post ni Angel, tila kinukuwestyon nito ang Senador kung bakit hindi daw nito nagawang ipaglaban man lang siya noong mga panahon na na-red tag ito bilang isang NPA?

Pagbabahagi ni Angel, “Nung mga panahong magkasama tayo, madalas mong ikwento yung panahon na namundok ka at nag-armas para ipaglaban ang bayan. Sabi mo pa nga, dinadalaw ka ng ex mo sa bundok. Sa statement mo na ‘to, kahit papaano, natuwa akong makita ulit ‘yung dating Robin Padilla na nakilala ko. At least, honest ka ngayon, Kuya.”  

“Kuya” ang tawag ng aktres sa Senador na kanyang naging leading man sa mga hit series na ‘Asian Treasures’ sa GMA 7 at ‘Toda Max’ sa ABS-CBN.

 Dagdag pang pahayag ng aktres,  “Ang tanong ko lang, nasaan ka nung panahong nirered-tag ako kahit alam mong hindi totoo?. Actually, kasama mo pa nga at kachikahan ‘yung mga nangre-red-tag. Naghugas-kamay at pumikit (ka) sa katotohanan.”  

May himig panunumbat din ang post ni Angel nang banggitin nitong tila mas ipinagtanggol pa dati ni Robin si Pastor Quiboloy, ang KOJC (Kingdom of Jesus Christ leader na matikas na ally ni dating Presidente Rodrigo Duterte.

Sey nito, “pero bakit parang mas ipinaglalaban mo pa si Quiboloy? Naniniwala ka ba talaga na siya ang ‘appointed son of God’?” 

Kasalukuyan ngayong nakakulong si Quiboloy dahil sa mga kasong sexual abuse at qualified human trafficking.

Kahit ang pagiging “boses” ng mga Muslim ni Robin ay tila isinumbat pa ni Angel na tila hindi daw yata ganun nabibigyan ng tamang boses sa Senado.

“Isa ka sa pinaka-makabayang taong nakilala. Ikaw si Andres Bonifacio. Kaya nakakalungkot pag nakakabasa ako ng stand mo pagdating sa China. Hindi ito ang Robin Padilla na nakilala at hinangaan ko,” saad pa ng post ni Angel.

Hirit pa nito, “ang utang na loob natin ay sa ating diyos at sa lahat ng Pilipino —hindi lamang sa isang tao.”

Ang naturang post ng aktres ay nag-viral sa ngayon at sa kasalukuyan ay wala pang ibinibigay na pahayag si Sen. Padilla.

Sa pagtatapos ng FB post, may pakiusap pa si Angel sa Senador na gawin na ang tama at makatarungan sa ginagawang ‘impeachment trial.’ “Tama na, Kuya. Gising na. Hindi pa huli ang lahat,” paghamon pa ni Angel.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles