Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

SEA V Cup Leg 1 papalo ngayon sa Candon, Ilocos Sur

Sisimulan na ang 4th Southeast Asian Volleyball Cup (SEA V Cup) sa Candon City Arena sa Ilocos Sur sa Miyerkules.

Nais ng Alas Pilipinas na ipagpatuloy ang kanilang matibay na ipinakitang laro sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship na ginawa sa bansa. Nagtapos sa 19th place ang Pilipinas sa kabuuang 32 teams.

Bubuksan ng Pilipinas ang kampanya nito sa Group B laban sa Cambodia sa ganap 5:30 ng hapon sa torneo, na may nakatayang FIVB world ranking points.

Maghaharap naman ang first leg champion Thailand at Vietnam sa pambungad na laban simula 2 p.m.

Unang beses lalahok ang Myanmar, na haharap sa Thailand sa Huwebes, habang magsasagupa ang Alas Pilipinas at second leg champion Indonesia sa Biyernes.

Ang nangungunang dalawang koponan mula sa bawat grupo ay uusad sa semifinals sa Sabado, habang ang laban para sa kampeonato at bronze medal ay gaganapin sa Linggo.

Ang Alas Pilipinas ay pangungunahan nina Josh Ybañez, Lloyd Josafat, Louie Ramirez at Vince Lorenzo, na pawang mga beterano ng FIVB Volleyball Men’s World Championship, sa ilalim ng Italianong coach na si Angiolino Frigoni.

Kabilang din sa koponan si Jude Garcia, na tumulong sa Pilipinas na makamit ang bronze medal sa beach volleyball sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia.

Ang torneo ay may suporta ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Pinuri ni Asian Volleyball Confederation president Ramon Suzara ang Candon sa muling pagho-host ng isa pang malaking pandaigdigang torneo ng volleyball.

“My heartfelt gratitude to Mayor Eric Singson and the local organizing committee for their outstanding efforts in staging this event,” ani Suzara sa isang pahayag nitong Martes.

“Following the successful hosting of the AVC (Asian Volleyball Confederation) Volleyball Women’s Cup, Candon City has once again demonstrated its capability and passion for delivering world-class international volleyball competitions.”

Nagwagi ang Korea sa AVC Women’s Volleyball Cup matapos talunin ang Chinese Taipei, 25-19, 25-19, 25-22, noong Hunyo 14.

Tinalo naman ng Iran ang Pilipinas, 25-21, 25-12, 25-21, para sa ikapitong pwesto.

Ayon kay Singson, ang pagho-host ng torneo sa ikalawang sunod na taon ay sumasalamin sa tiwalang ibinibigay sa kakayahan ng lungsod na magsagawa ng mga pandaigdigang sporting event, habang pinalalakas ang sports tourism at ang lokal na ekonomiya.

“It also provides Candon City the opportunity to represent the Philippines by sharing the warmth of Filipino hospitality while advancing sports tourism as a catalyst for economic growth, cultural exchange, and community development,” ani Singson.

Ang SEA V Cup ay ginawa rin sa Pilipinas noong 2023 (Leg 2) at 2024 (Leg 1). Candon ang host ng 2025 Leg 1. 

Third place ang Pilipinas sa parehong leg noong 2024.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles