Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

NBI official: ‘Romanov’ mula kay Baste, nakatuon sa First Family

Nagmula kay Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang pagbanggit sa “Romanov” at nakatuon umano ito sa First Family, ayon sa testimonya ni National Bureau of Investigation (NBI) Regional Director Jeremy Lotoc sa Senate impeachment court nitong Martes.

Gayunman, ilang beses nilinaw ni Lotoc na ang sagot ay mula sa kanyang alaala. Sinabi rin niyang hindi kasama ang Maisug speech ni Baste sa open-source material ng NBI Cybercrime Division at hindi nakatuon sa Romanov ang kanilang imbestigasyon.

Lumabas ang usapin nang tanungin ni senator-judge Raffy Tulfo si Lotoc tungkol sa sinasabing “Operation Romanov” na iniharap ng depensa bilang banta kay Vice President Sara Duterte at sa kanyang pamilya.

Ginamit ng depensa ang umano’y operasyon bilang konteksto sa online press conference ni Duterte noong November 23, 2024. Sa press conference, nagtanong si Princess Maui tungkol sa sinasabing banta sa pamilya Duterte.

Binalikan ni Tulfo ang pahayag ni Baste sa Maisug rally sa Davao. Naalala ni Lotoc na sinabi ng alkalde: “Mr. President…remember what happened to the Romanov?”

Matapos simulan ni Tulfo ang kasunod na linya, ipinagpatuloy ni Lotoc: “When you go to bed tonight…think about the Romanovs, ‘yun po yata ‘yung pagkasabi.”

“Parang sinasabi niya na baka mangyari sa pamilya ninyo ‘yun…parang ganoon po ang sinasabi ni Mayor Baste,” dagdag niya.

Kinuwestiyon ni Tulfo kung bakit binanggit ni Princess Maui ang “Romanov” bilang banta kay Duterte gayong unang ginamit ng kapatid nitong si Baste ang termino bilang babala sa First Family.

“Nagtataka ako na binanggit ‘yan ni Princess Maui doon sa…online press conference ni VP Sara, ‘yung Romanov na banta for Sara Duterte, when in fact, it was Baste Duterte ang nagbitaw ng salita na ‘yun, warning sa First Family,” ani Tulfo.

Tinanong din niya kung may nakita ang NBI na ibang Romanov operation.

“Insofar as our investigation is concerned, since nag-start ‘yan doon kay Mayor Baste at wala ho kaming ma-validate na ibang Romanov operations…I think nag-start ‘yan sa kanila, sir, sa kapatid ng Bise Presidente,” sagot ni Lotoc.

Tinawag din niyang hindi mapagkakatiwalaan ang impormasyong ipinarating ni Princess Maui kay Duterte.

“Hindi reliable insofar as the NBI Cybercrime Division is concerned,” aniya.

Binalikan ni senator-judge Panfilo Lacson ang isyu dahil una niyang inakala na banta sa Vice President ang umano’y operasyon.

“Ang context ng Operation Romanov, against the First Family. So definitely against the President and his family, Your Honor,” sagot ni Lotoc.

“So ngayon n’yo rin lang na-realize na ‘yung palang Oplan Romanov, a threat pala sa First Family?” tanong ni Lacson.

“First Family. Opo, Your Honor,” tugon ni Lotoc. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles