Bilang si Maya Mae Kalaw o mas kilala as MMK sa hit action-drama series na “Blood versus Duty,” naisasakatuparan ni Mam Tootsy Angara hindi lang ang kakayahan niyang umarte sa harap ng kamera kundi ang madala din sa TV platform ang kanyang adbokasiya sa edukasyon.
Bilang si MMK na isang TV journalist sa naturang series na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Richard Gutierrez, inilalarawan sa role ang pagkakaroon ng paniniwala na sa practice ng pagiging investigative journalist, kailangan nabibigyan ng pantay at parehas na pagdinig ang biktima.

Iyan ang pangunahing dahilan kung bakit na-engross sa kanyang role si Tootsy dahil sa totoong buhay at bilang supportive na asawa ni Deped Secretary Sonny Angara, may sarili din siyang advocacy upang maabot at mabigyan ng pantay na serbisyo ang mga estudyanteng may pangangailangan sa teknolohiyang pang-edukasyon.
Paliwanag nga ni Tootsy kung bakit may appeal sa kanya ang role, “I’ve always believed that you understand people better when you take time to see the world from where they stand. Whether you’re building programs for children, working with clients, or playing a journalist, it always begins with listening.”
Kaya naman kung nakilala siya ng madla bilang ‘woman’ behind ConnectEd: Tech for All, sa pamamagitan ng kanyang pagharap sa kamera at pag-portray ng role na mahalagang sangkap sa kuwento, kapwa niya natutupad ang mga adhikain niya sa buhay.
Ang ConnectEd;Tech for All ay isang inisyatiba na nagbibigay ng mga laptops, connectivity, at digital training sa mga students sa buong bansa na hindi naaabot ng gayang teknolohiyang pang-edukasyon.
Hindi naman bago kay Tootsy ang larangan ng pagharap sa kamera dahil sa tagal ng panahon na nagsisilbi siyang Cluster Head ng Sales and Advertising ng ABS-CBN, madalas niyang nakakasama ang mga executives at sales people na nagpi-present sa mga advertisers, clients at maging sa mga special events.
Minsan na rin niyang nakatuwaan na makipag-eksenahan sa pinoy Adaptation ng sikat na Korean series na “What’s Wrong with Secretary Kim,” nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
“Naku si Mam Tootsy, she is living what she practices in sales. Kapag may mga media or client presentations kami, talagang may kasamang acting yung aming ginagawa to convince and close deals,” saad ng nakausap ng BISTADO na kasama sa work ni Tootsy.
“Well mam Tootsy is not new to showbiz. She is known for her being very stylist, fashionista at may awrang pang-artista. She’s very smart, down to earth at may passion lang talaga sa pag-arte at pag-communicate ng kanyang sentiments sa tao. Sana seryosohin na niya ang mga ganyang acting stint coz she has it. Pasadong-pasado,” dagdag pa ng ilan.
Kaya naman ng kunan din namin ng pahayag ang mismong esposo ni Tootsy na si DepEd Secretary Sonny Angara, nagmistula naman itong fan boy ng magaling at magandang asawa.
Sey ni Sec. Sonny, “Nagulat ako kay Tootsy kasi ang galing na niya umarte. Sabi ko, mahirap ko na siya paniwalaan sa totoong buhay kasi baka umaarte lang siya. Joke, joke, joke.”
“Pero isa na ako sa napahanga niya, ” dagdag pa ng butihing si Sec. Angara.
May mga netizen namang nagsabing bagay din kay Tootsy ang maging isang seryosong investigative journalist gaya ng pagiging host niya ng Inside the Truth sa Blood versus Duty.
Sey nga nila, “puwedeng puwede siyang maging regular host sa real life. Kering-keri niya ang magsalita, magtanong at sumagot sa mga kinakausap. Marunong makinig at matalino. Maganda pa. Pwede siyang maging ka-liga nina Karen Davila, Bernadette Sembrano o Korina Sanchez.”
Sa kaugnay na panayam bilang siya si MMK, nabanggit ni Tootsy na ang pagiging mahusay na mamamahayag ay hindi dapat inilalayo sa totoong sitwasyon sa buhay.
Pakli niya, “WeWe live in a world where it’s easy to react and much harder to understand. Journalists remind us to slow down, verify, and listen before drawing conclusions.”
Napapanood gabi-gabi ang “Blood vs Duty tuwing 8:45 p.m. on ABS-CBN, ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.
Na-i-stream na din ito sa Netflix 72 hours before its television broadcast at sa iWant 48 hours ahead of airing.
Viewers outside the Philippines can also watch the series on TFC via cable and IPTV.


