Lalong magiging makulay ang inaabangang selebrasyon sa Koronadal City dahil dadalhin dito ng GMA Regional TV ang ilang Kapuso stars ngayong Huwebes (July 16) para maki-join the fun sa T’nalak Festival 2026.
Siguradong good vibes at nakakahawang positive energy ang bitbit nina Kapuso actress Rhian Ramos at The Master Cutter cast Shuvee Etrata, Anthony Constantino, at Prince Carlos sa #KapusoFiesta na gaganapin sa Parking Area ng South Cotabato Sports Complex, 5 p.m.
Makakasama rin nila sa paghahatid ng exciting surprises at performances sina Sparkle stars Sofia Pablo, AZ Martinez, Vince Maristela, at ang P-pop boy group na CLOUD 7.
Mark your calendars, mga Kapuso! ‘Wag sayang ang pagkakataong maka-bonding ang paborito ninyong GMA star.


