Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

9 na Pinoy sasabak sa Dakar Youth Olympics

Magpapadala ang Pilipinas ng siyam na atleta sa Dakar 2026 Youth Olympic Games (YOG) sa Senegal ngayong Oktubre.

Itinalaga ng Gymnastics Association of the Philippines ang dalawa nitong artistic gymnasts, sina Hilarrion Palles III at Tchelzy Mei Maayo, upang lumahok sa pandaigdigang kompetisyon para sa mga atletang edad 15 hanggang 18.

Ang edisyon sa Senegal ay noong 2022 pa dapat ngunit naantala dahil sa pandemya ng Covid-19. Nakatakda itong idaos ngayon taon mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 13.

May kabuuang 2,700 atleta ang lalahok sa 25 sports, kung saan si taekwondo association secretary-general Rock Samson ang magsisilbing chef de mission ng Team Philippines.

“They’re the rising stars of Philippine sports,” ayon sa pahayag ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino nitong Lunes patungkol sa mga batang atleta.

“We are hoping for a podium finish and of course, we are praying for the gold. This is a fighting team and I believe they will do their best,” dagdag pa nya.

Noong nakaraang Sabado sa Parañaque City, inilunsad ni Tolentino ang kauna-unahang Southeast Asia Plus Youth Games, na magsisilbing paghahanda ng mga atleta para sa mga susunod na YOG.

Makakasama ng mga gymnast ang mga kalahok sa athletics na sina Pi Durden Wangkay (boys’ 200 meters) at Naomi Marjorie Caesar (girls’ 800m); mga manlalangoy na sina Riannah Chantelle Coleman (girls’ 100m breaststroke) at Jamesray Mishael Ajido (boys’ 100m butterfly); siklistang si Maritanya Krog (women’s road at individual time trial); wushu athlete na si Angel Polo (women’s Taijiquan); at sailing athlete na si Jade Justiniane (men’s windsurfing).

Mula nang unang idaos ang YOG sa Singapore noong 2010 at sinundan ng Nanjing, China noong 2014, iisa pa lamang ang medalyang pilak na napanalunan ng Pilipinas sa YOG, mula sa Filipino-Norwegian na si Christian Tio sa boys’ twin tip racing ng kiteboarding sa 2018 Buenos Aires.

Si Luis Gabriel Moreno naman ay nagwagi ng gintong medalya kasama ang Chinese na si Li Jiaman sa mixed international team event ng archery sa Nanjing.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles