Minsan na ding naging bahagi ng showbiz si Brian Poe-Llamanzares, anak ni dating Senador Grace Poe at apo ng mga showbiz royalties and legends na sina Fernando Poe Jr at Susan Roces.
Naabutan pa ni Brian ang kanyang mga lolo at lola na noong kanyang kabataan ay paborito din siyang isama sa mga TV and movie projects kaya naging malapit din siya sa mga taga-industriya.
Ngayong 34 years old na siya at isang Congressman representing FPJ Panday Bayanihan Party list, tila ang yapak ng ina na isang magaling na Senadora ang kanyang nais na tahakin.
Pinag-uusapan nga din sa showbiz world ang nakatakda niyang pakikipag-iisang dibdib sa fiancée niyang si Margarita Navarro Gutierrez, 43, ngayong darating na Setyembre 8, 2026.
Bago pa man naging Undersecretary ng Department of Justice (DOJ) si Marge o Margie, naging part-time ramp model din siya at paminsan-minsang “talent” sa mga commercials o showbiz events.
Kumalat ang balitang pagpapakasal ng dalawa dahil sa mga naglabasan sa socmed nang screenshot ng Request for Permission and Banns na nakapaskil sa bulletin board sa labas ng Santuario de San Jose, Greenhills East, Mandaluyong City.
At dahil mistula naman itong public record o isang dokumento na makikita ng public, nakalagay nga doon na si Brian ay residente ng North East, Greenhills, San Juan City, though sakop ng Mandaluyong City ang Santuario de San Jose.
Habang ang Malate, Manila, naman ang ibinigay na address ng kanyang mapapangasawa.
Si Reverend Fr. Allen Vic Cartagena ang nakapirma sa Request for Permission and Banns para kina Brian at Margarita.
Nakasaad dito ang petsa ng kanilang kasal: “08th day of SEPTEMBER 2026”
Pinag-uusapan ng mga netizen sa ngayon ang dala-dala umanong “sumpa” ng mga wedding banns ng mga celebrities o mga high profile personalities na nagnanais magpakasal.
Klasiko nilang ini-example sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na after i-anunsyo ng wagas via wedding bans ang kanilang pag-iisang dibdib ay nauwi din sa hiwalayan ang ilang linggo lang nilang pagsasama.
Ang very recent nga ay sina Bea Alonzo at Vincent Co, na supposedly ay siyang magiging wedding of the year after pag-usapan at mag-viral ang kanilang wedding banns, pero mula sa postponement ng wedding at naging ”cancelled” na ito.
“Huwag naman sana. Wala namang ganyan. Mukha namang tunay ang pagmamahalan nina Brian at Margie. At saka hello, look at their age, siguro naman ganap na silang mature sa lahat ng bagay noh,” sey ng mga commenters.


