Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Diesel, kerosene taas-presyo sa Martes

Panibagong dagdag-presyo ang sasalubong sa mga motorista at consumer sa diesel at kerosene simula Martes, July 14, sa gitna ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa Department of Energy (DOE), tataas nang P2.62 hanggang P4.62 kada litro ang presyo ng diesel at diesel plus para sa July 14 hanggang 20.

Aakyat naman nang P2.22 hanggang P4.22 kada litro ang kerosene.

Hindi tiyak ang galaw ng gasolina. Ang presyo ng research octane number (RON) 91, RON 95 at RON 97 ay maaaring bumaba nang hanggang P1 o tumaas nang hanggang P1 kada litro.

Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na nagdulot ng panibagong pangamba sa pandaigdigang fuel market ang mga banta sa paglalayag sa Strait of Hormuz.

Mahalagang daanan ng pandaigdigang kalakalan ng enerhiya ang kipot. Ang anumang banta sa pagdaan ng mga barko rito ay naglalagay ng pressure sa international oil prices at lokal na presyo ng produktong petrolyo.

Kasunod ang bagong adjustments ng mga pagtaas noong nakaraang linggo. Nadagdagan nang P0.20 hanggang P0.25 kada litro ang gasolina, P3.20 hanggang P3.57 ang diesel, at P1.70 hanggang P3.70 ang kerosene.

Batay sa datos ng DOE, bumaba nang humigit-kumulang $2.40 kada barrel ang Dubai crude noong June 29 hanggang July 3 trading period. Kumonti rin nang $3.20 kada barrel ang international gasoline benchmark.

Kabaligtaran ang nangyari sa diesel at kerosene. Tumaas nang tinatayang $2.50 kada barrel ang diesel benchmark at $3.10 ang kerosene.

Patuloy na nakikipagtulungan ang DOE sa mga kinauukulang sektor para palakasin ang suplay ng langis sa bansa at protektahan ang mga consumer laban sa pabago-bagong pandaigdigang suplay at presyo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles