Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Andrew Garfield, na-inspire kay Alex Eala

Kilig na kilig ang mga sports fans at mga tagahanga ni Spider Man Andrew Garfield dahil kahit ito’y na-amaze at na-inspire sa husay ni Alex Eala.

Isa nga ang sikat na Hollywood actor sa mga celebrities na very vocal sa naging paghanga nila kay Alex at nag-post pa ito sa kanyang socmed account ng nasabing paghanga para sa pinoy tennis superstar. 

Ayon sa mga ulat, personal palang pinanood ni Andrew si Alex noong laban nito kay Wimbledon 2025 champ Iga Swiatek in their Wimbledon Round of 32 clash.

Sa isang interview sa British Vogue na posted sa Instagram, hindi nga daw nahiyang maging fanboy ng minsa’y naging “Spider-Man”  na ibahagi ang kanyang ‘thoughts on the match, praising the Filipina tennis star.’

Ayon sa post ni Andrew, “It’s one of those special moments you get to share with an athlete who’s just beginning on her journey. And it was really kind of inspiring, actually.”

Sa naturang match, nag-viral at pinag-usapan din ang panonood ni Andrew dahil sa kanyang ‘Ralph Lauren outfit at gorgeous hair,’ plus ang presence ng kanyang girlfriend actress na si Monica Barbaro.

Ang iba pang mga sikat na celebrities na nanood sa nasabing laban ni Eala kay Swiatek ay sina Tom Hiddleston, Anna Wintour, Simone Ashley, at Michaela Coel.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles