Tuwang-tuwa ang mga kaA’tin at ka-Mahalima, mga armies ng popular at number P-POP group o mga KINGS ng P-pop sa bansa na finally ay magkakaroon na ng solo concert niya ang lider ng grupo na si Pablo.
Mismong si Pablo na tinatawag ding PINUNO ang nagbahagi nito thru his socmed account na IG at ang talent agency nilang 1Z Entertainment.
Billed as “The Middle,” the musical event is happening on July 17 at 5 p.m. at the Crossroads Center.
General ticket selling for the event will begin on July 9 at 7 p.m. via https://themiddle.helixpay.ph
Maraming mga ka-A’tin ang agad na nagpahayag ng kanilang excitement lalo’t overdue na daw na matatawg na magkaroon ng sarili niyang concert si Pablo.
May mga nangangamba namang baka daw senyales na ito ng pagkakawatak-watak ng grupo dahil kahit noon pa ay nagkaroon na daw ng pagtatangka na bigyan ang limang members ng kani-kanilang solo singles o exposures.
Subalit pinaninindigan naman ng mga solid at loyal fans ng SB19 na mas makakatulong ng malaki sa grupo kapag nabigyan nga ang bawat isa ng pagkakataon na magpakita ng kanilang kakayahan sa solo concert lalo’t may kani kaniyang “strength” ang limang KINGS ng P-pop.
Umaasa ding magkakaroon ng participation kahit “umakyat” lang sa stage ang apat pang kasama ni PINUNO na sina Stell, Ken, Justin at Josh, lalo na daw sa bahaging hindi pagkanta at pagsayaw ang gagawin nila.
“A simple hello, bantering, kulitan at yung usual nilang ginagawa bilang magkakaibigan at magkakapatid is more than enough for Pablo’s solo concert to be a success,” ang korus ng mga ka-A’tin.


