Tinanghal na Best Actor at Best Actress sina Jericho Rosales at Maris Racal sa katatapos lamang na 9th EDDYS Awards, o ang award-giving body ng the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Nanalo si Rosales para sa kanyang ‘commanding portrayal’ ng former Philippine President Manuel L. Quezon in the historical drama-movie “Quezon.”
Emosyonal ang acceptance ni Rosales na nagbahagi ng kanyang personal na pinagdadaanan sa buhay lalo na ang recent na naganap sa kanyang nakababatang kapatid at ang pagkakaroon ng “Alzheimer’s” ng kanyang ina. Nagpasalamat siya sa mga naniwala at nagtiwala sa kanya lalo na ang buong produksyon ng QUEZON na sa umpisa pa lamang ay ginawa na siyang estudyante ng kasaysayan at ibinalik sa isang panahon na gumagawa ng kasaysayan ang bansa.
Si Maris Racal naman ang tinanghal na Best Actress para sa kanyang napakahusay na interpretasyon ng isang batang atleta na pumili sa pagitan ng pagbubuntis sa gitna ng umuusbong na karera sa gymnastics.
Tinuran ni Racal na malaki ang naging paniniwala niya sa role at sa movie lalo’t laganap pa rin sa mga kagaya niyang batang babae ang usapin sa ‘abortion’ na sentro ng pelikulang SUNSHINE.
Nanalo din ng dalawa pang major awards ang QUEZON gaya ng BEST PICTURE at Best Director for filmmaker Jerrold Tarog.
Samantala, maluha-luha namang tinanggap ni Will Ashley ang kanyang Best Supporting Actor win para sa Bar Boys: After School, at naka-tie pa niya si Rico Blanco para naman sa magaling din nitong pagkakaganap sa Manila’s Finest.
Ang magaling na dating lider ng Sexbomb group na si Rochelle Pangilinan naman ang tinanghal na Best Supporting Actress for her moving performance in Child No. 82
Binigyan din ng SPEED ng parangal ang ilang mga personalidad na may malaking kontribusyon sa industriya gaya ng Movie Icons award nina John Arcilla, Edgar “Bobot” Mortiz, Rio Locsin, at Janice de Belen.
Ipinagkaloob naman ang The Isah V. Red Award kay Madam Chaye Cabal Revilla ng Gabay Guro Foundation at sa aktor na si Donny Pangilinan, habang si filmmaker Joven Tan ang nakatanggap ng Joe Quirino Award at ang GMA 7 reporter at veteran entertainment journalist Lhar Santiago ay binigyan ng Manny Pichel Award.
At dahil malaking bahagi ng pagiging aktor ang performance ng pelikula sa box-office, pinarangalan bilang Box Office Heroes sina Vice Ganda, Maricel Soriano, Joshua Garcia, Kim Chiu, Paulo Avelino, at Richard Gutierrez dahil sa mga hit movies na kanilang nagawa para sa taong 2025.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa katatapos na awards night ng SPEED na ginanap noong Linggo, July 5, sa Ceremonial Hall of the Marriott Grand Ballroom in Newport World Resorts.
Major winners at the 2026 Eddys:
● Best Picture – Quezon
● Best Director – Jerrold Tarog (Quezon)
● Best Actor – Jericho Rosales (Quezon)
● Best Actress – Maris Racal (Sunshine)
● Best Supporting Actor (Tie) – Will Ashley (Bar Boys: After School) and Rico Blanco (Manila’s Finest)
● Best Supporting Actress – Rochelle Pangilinan (Child No. 82: Anak ni Boy Kana)
Technical Awards
● Best Cinematography – Salvageland
● Best Sound – Manila’s Finest
● Best Musical Score – Manila’s Finest
● Best Theme Song – Manila’s Finest
● Best Visual Effects – Shake, Rattle & Roll: Evil Origins
Special Awards
● Movie Icons – John Arcilla, Edgar “Bobot” Mortiz, Rio Locsin, and Janice de Belen
● Isah V. Red Award – Chaye Cabal Revilla and Donny Pangilinan
● Joe Quirino Award – Joven Tan
● Manny Pichel Award – Lhar Santiago
● Box Office Heroes – Vice Ganda (Call Me Mother), Maricel Soriano and Joshua Garcia (Meet, Greet & Bye), Kim Chiu and Paulo Avelino (My Love Will Make You Disappear), and Richard Gutierrez (Shake, Rattle & Roll: Evil Origins)


