Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Pinas nagbunyi: Eala umusad sa Wimbledon 4th round

Nasakop ni Alexandra “Alex” Eala ng Pilipinas ang Centre Court ng Wimbledon matapos pabagsakin ang world No. 3 at 2025 champion na si Iga Swiatek, 7-6(9), 6-2, nitong Sabado sa London.

Ang No. 29 seed na si Eala ay nakaligtas sa dalawang set points sa unang set upang tuluyang manalo at makapasok sa ikaapat na round ng Wimbledon sa unang pagkakataon.

Nagtala si Eala ng 71 break points kumpara sa 27 ni Swiatek; at mayroon lamang ng 21 unforced errors habang umabot sa 44 ang kalaban na mula sa Poland.

Mula sa pagiging unang Pinay na umabot sa ikatlong round ng isang Grand Slam, si Eala ngayon ang kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa ikalawang linggo ng isang major tournament sa Open era.

“I don’t know how to describe it. I mean, I went to the second week of a Slam and it’s amazing for me. Iga is a phenomenal player and a really nice person so I’m really grateful to be able to share Centre Court with her at Wimbledon nonetheless,” ani Eala sa on-court interview.

Unang umani ng pansin si Eala nang talunin niya si Swiatek sa quarterfinals ng Miami Open noong Marso ng nakaraang taon, 6-2, 7-5.

Tinalo rin niya ang ikalimang seed na si Madison Keys ng Estados Unidos sa round of 32.

Ang world No. 32 na si Eala ay may kartadang 7-4 laban sa mga top 10 na manlalaro, kabilang ang malinis na 3-0 sa grass court ngayong season.

“This is one of the biggest matches of my life, for sure. And this is my dream court, so I’m really happy with the atmosphere that you guys gave. Thank you so much for cheering me on,” ani Eala sa pasasalamat sa mga Pilipino na dumadayo kahit saang parte ng mundo siya maglaro.

Susunod na makakaharap ni Eala ang No. 13 seed na si Jasmine Paolini ng Italy sa round of 16 sa Lunes.

Kung mananalo, matutumbasan niya ang pag-abot sa quarterfinals ni Felicisimo Ampon sa 1953 French Open.

Nagwagi si Eala sa nag-iisang paghaharap kay Paolini, 6-1, 7-6(5), sa ikalawang round ng Dubai Open noong Pebrero.

Umabante si Paolini matapos talunin si Maria Sakkari ng Greece, 6-1, 6-2, sa loob lamang ng 66 minuto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles