Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

“A Secret in Prague at My Bespren Emman,” available na sa Kapamilya platforms simula July 27

Sa patuloy at tumitibay na kolaborasyon ng Kapatid at Kapamilya networks, dalawa sa ipinagmamalaking mga drama series ng TV5 na A Secret in Prague at My Bespren Emman ang mapapanood na ngayong July 27 sa lahat ng available na Kapamilya platforms.

Pagpapatunay lamang ito na ang pagsanib pwersa ng dalawang higanteng networks upang kapwa mapagsilbihan ang bawat pinoy sa buong bansa ay napapanahon at walang tinitingnan na kumpetisyon.

Sa muling pagkakaroon ng collab ng dalawang networks ay nauna nang nagpamalas ng lakas ang SIGABO ni Coco Martin at ang Face to Face ni ateng Korina Sanchez, na napanood sa mga platforms ng Kapamilya channel at nakapagbigay ng maganda at mas malawak na viewership sa free TV.

Then soon, aarangkada na nga ang  A Secret in Prague, headlined by Enrique Gil and Andrea Brillantes, which has captivated audiences with its unique blend of mystery, romance, and suspense set against the breathtaking backdrop of Europe. 

Simula nang umere ang series, hindi na ito nawala sa Top 10 titles on Netflix Philippines, kaya naman isa na ito sa itinuturing na most-talked about drama series sa bansa sa taong 2026 at nagluklok sa mga bidang sina Enrique at Andrea bilang mga most-sought after stars ng generation na ito. 

“And now with this new platforms in ABS-CBN na mapapanood uli ang dating mga Kapamilya stars, for sure, lalo silang pag-uusapan at mapupunuan na yung gap na na-miss sila ng mga loyal Kapamilya followers nila,” komento ng mga nasa produksyon ng series.

Samantala, ganun din ang inaasahan sa My Bespren Emman, dahil ang mga bida ditong sina JM de Guzman at Shaina Magdayao ay mga tatak-Kapamilya stars din na nakakapag-crossover bilang mahuhusay na aktor.”With its relatable characters and emotionally rich storytelling, the series offers a viewing experience that Filipino families can easily connect with. At sa husay nina JM at Shaina, madali din nilang makukuha uli ang mga viewers na dati na rin silang sinusubaybayan,” dagdag pa ng parehong source.

Susog pa nila, “With their arrival on Kapamilya platforms, both programs are poised to reach even more Filipino viewers worldwide, giving audiences more ways to enjoy the stories that have captured the hearts of Kapatid viewers and are now ready to be discovered by even more Kapamilya audiences.”

“The expanded availability reflects a shared commitment to making great Filipino stories more accessible—bringing together audiences through stories that inspire, entertain, and resonate across platforms.”

Kaya mga Kapatid at Kapamilya, abangan ang  A Secret in Prague at ang  My Bespren Emman simula ngayong July 27 sa TV5, ALL TV 2, A2Z at mga Kapamilya platforms Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live and iWant.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles