Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gilas bigong muli sa NZ Tall Blacks sa FIBA World Cup qualifiers

Talo na naman ang Gilas Pilipinas sa New Zealand matapos yumuko sa dalawang overtime, 106-102, sa FIBA World Cup Asian qualifiers nitong Biyernes sa Sphere Arena ng Auckland.

Nakapagtala ang sentrong si Sam Mennenga ng magkasunod na basket upang ibigay sa Tall Blacks ang kalamangan, 104-102, sa huling 14 na segundo.

Ang apat na sunod na puntos ni Mennenga ang nagtapos sa 8-2 ratsada ng koponan ng New Zealand, na hindi na bumitaw sa kalamangan at opisyal na nakapasok sa ikalawang round ng qualifiers.

Makakasama nila ang Pilipinas at ang nananatiling walang talong Australia (4-0).

Sa muling pagtakas kontra Pilipinas, umangat ang New Zealand sa 3-2 kartada sa Group A at tuluyang humiwalay sa dating tabla nila.

Bumagsak naman ang Pilipinas sa 2-3 matapos ang ikatlo nitong sunod na pagkatalo. Makakaharap nito ang Australia sa Perth sa Hulyo 6.

Tapos na rin ang tsansa ng Guam, na nanatiling walang panalo.

Dagdag pa ang tagumpay na ito sa sunod-sunod na panalo ng Tall Blacks laban sa Pilipinas, na umabot na sa apat na magkakasunod at nananatiling walang talo kontra sa Gilas sa mga laro ng World Cup Qualifiers.

Pinangunahan nina Juan Gomez De Liano, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, at Carl Tamayo ang laban para sa Pilipinas.

Samantala, nalimitahan ang naturalized player na si Justin Brownlee sa limang puntos lamang matapos tumira ng 2-of-3 mula sa field.

Nagtapos sina Gomez De Liano, rookie guard ng Converge, at Quiambao na may tig-23 puntos at nakapagpasok ng mahahalagang basket sa dulo ng regulation at sa unang overtime.

 Ang 26-anyos na si De Liano ang tumira ng three-pointer upang itabla ang laro sa 83-all at mapuwersa ang unang overtime.

Umabante pa ang Gilas, 100-96, matapos ipasok ni Brownlee ang nag-iisa niyang three-pointer, may 2:12 pang nalalabi sa ikalawang overtime.

 Ngunit nanatiling kalmado ang Tall Blacks upang maselyuhan ang panalo.

Nanghinayang si Gilas coach Tim Cone sa pagkakataong hindi nila natapos ang laro sa regulation at sa unang overtime.

“The fact that we got to as close as we did, obviously is a huge disappointment,” Cone said in the post-game presser. “Once you feel like it’s in your grasp, and let it slip away, it makes it tough. We have chances in both regulation and in the first overtime to win that basketball game, but we just came up short.”

Nag-ambag si Ramos ng 18 puntos habang si Tamayo ay may 17 puntos, kabilang ang 11 sa first half, upang mapanatili ang Gilas na dikit sa Tall Blacks.

Nagtala rin si Brownlee ng walong rebounds, apat na assists at tatlong steals, ngunit nahirapan siyang makagawa ng puntos dahil sa depensa.

Pinangunahan ni Reuben Te Rangi ang New Zealand sa naitalang 22 puntos, habang nagtapos si Shea Lili na may 21 puntos, kabilang ang dalawang free throws sa huling walong segundo na nagtabla sa laro sa 93-all at nagdala sa ikalawang overtime.

Nagtala naman si Sam Waardenburg ng double-double para sa New Zealand sa pamamagitan ng 16 puntos at 10 rebounds, habang nagdagdag si Mennenga ng 13 puntos at anim na rebounds.

NEW ZEALAND 106 – Te Rangi 22, Ili 21, Waardenburg 16, Mennenga 13, Webster 12, Davison 7, Smith-Milner 6, Britt 4, Ngatai 3, Murray 2, Timmins 0.

PHILIPPINES 102 – Gomez de Liano 23, Quiambao 23, Ramos 18, Tamayo 17, Edu 6, Abarrientos 6, Brownlee 5, Rosario 2, Phillips 2, Fajardo 0, Newsome 0.

Quarters: 23-17; 44-39; 63-64; 83-83 (reg); 93-93 (1OT); 106-102 (2OT)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles