Nagsampa ang Office of the Ombudsman nitong Biyernes ng non-bailable criminal charges for plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng P75 million undeclared campaign contributions na natanggap umano niya para pondohan ang kanyang Senate bid noong 2025.
Itinuloy ang indictment laban kay Marcoleta sa kabila ng ilang araw na protesta mula sa kanyang supporters, na pinangunahan ng Iglesia ni Cristo (INC).
Kinasuhan din si Marcoleta ng tatlong counts ng paglabag sa Presidential Decree No. 46, na nagbabawal sa public officers na tumanggap ng gifts habang nasa puwesto.
Kasama niyang kinasuhan sina dating Quezon City congressman Mike Defensor, Joseph Esperitu, at Aristotle Viray.
Ang plunder case ay na-raffle sa 3rd Division, habang ang tatlong counts ng receiving gifts ay na-raffle sa 1st, 4th, at 6th divisions.
Ayon sa mga ulat, nagdeklara si Marcoleta ng net worth na P51 million noong nakaraang taon, habang gumastos siya ng P112 million para sa kanyang election bid, kung saan pumuwesto siya sa ika-6 sa senatorial race.
Sinabi ni Marcoleta na ang pondo, na natanggap sa tatlong tranches noong January ng taong iyon, ay galing sa donors na piniling manatiling anonymous pero kumilala umano sa kanyang competence na maging senador. /Bistado


