Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Baguio naghahanda sa El Niño: Bagong deep wells, rainwater facilities tinututukan

BAGUIO CITY – Naghahanda ang Baguio Water District (BWD) sa inaasahang matinding epekto ng El Niño sa huling bahagi ng taon sa pamamagitan ng apat na bagong deep wells at pinalawak na rainwater harvesting facilities.

Ayon kay Noriel Calpito, chief ng BWD Production and Distribution Division, ongoing na ang drilling ng apat na deep wells sa Buyog, Guisad; Montinola, Kisad; at dalawang sites sa Irisan.

Dalawa rito ang target matapos ngayong July at inaasahang mag-operate sa October. Ang dalawa pa ay target makumpleto bago matapos ang taon.

“These will provide additional water supply, especially with the effects of El Niño expected in the last quarter of the year,” sabi ni Calpito.

Nauna nang sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) Baguio Synoptic Station na inaasahan ang very strong El Niño mula October hanggang January.

Hanggang katapusan ng June, 38 percent ng 78 deep wells ng lungsod ang nakarekober dahil sa madalas na isolated thunderstorms. Pero 32 percent ang bumaba ang water levels, habang 29 percent ang nanatili ang pumping levels.

Sa kabila ng mga pag-ulan, mas mababa pa rin ang production kesa noong nakaraang taon. Noong April, nasa 75 percent capacity ang deep wells kumpara sa 82 percent noong nakaraang taon. Bumaba rin ito sa 72 percent mula 83.37 percent noong May, at 74 percent mula 84.05 percent noong June.

Inaasahan ng BWD na madadagdagan ng 5,000 hanggang 10,000 cubic meters ang water supply kada araw kapag nakumpleto ang 10 deep-well projects na sinimulan noong 2025. Dagdag ito sa kasalukuyang average daily production na 56,000 cubic meters.

Sa ngayon, may 51,000 water connections ang BWD, habang umaabot sa 60,000 cubic meters ang average daily demand.

Hinihintay din ng BWD ang deputation mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para magkaroon ito ng awtoridad na mag-monitor at mag-inspect ng illegal deep wells.

“Our deep wells, as well as legally operating wells, are having difficulty recovering because of the possible overextraction from illegal deep wells,” sabi ni Calpito.

Gamit ang Global Positioning System mapping, natukoy ng city government ang nasa 1,300 operating deep wells, pero nasa 300 lang ang may permit.

Bukod sa bagong wells, pinupuno rin ng BWD ang rainwater harvesting facilities sa Mount Santo Tomas at Busol Watershed para madagdagan ang supply. Patuloy din ang water distribution management para makakuha ang consumers ng patas na bahagi ng available supply.

Tinutulak din ng district ang bulk water system project para sa long-term supply reliability.

Ayon kay Office of Civil Defense-Cordillera Director Albert Mogol, na chair din ng Cordillera Disaster Risk Reduction and Management Council, mahalaga ang partisipasyon ng publiko sa pagharap sa El Niño.

“We also ask residents to collect rainwater from their downspouts for other household uses,” sabi ni Mogol.

May ilang local government units na rin aniyang nagtayo ng rainwater containment facilities na nagsisilbing irrigation source at pinagkukunan ng tubig laban sa forest fires.

“These are long-term solutions to minimize the effects of El Niño, particularly water shortages, and we continue to encourage such initiatives,” sabi niya.

Ayon naman kay Pagasa-Baguio chief meteorologist Larry Esperanza, mahalaga ang water conservation ng bawat residente, lalo na sa dry season, para makarekober ang aquifers.

“Unti-unti may pag-uulan pero hindi kaagad tataas ang tubig dahil galing tayo sa tag-init at hanggang October lang ang inaasahan nating ulan. By November, magre-recede na naman at wala nang ulan, at iyan ang magiging problema natin. Lalalim na naman ang water table at iyan na rin ang panahon na mararanasan natin ang malaking epekto ng El Niño,” sabi ni Esperanza. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles