Proud na ipinost ng aktor-host at negosyanteng si Matteo Guidicelli sa kanyang socmed na IG ang pagtatapos niya sa Harvard University Business School.
Nakumpleto na nga ni Matteo ang Program for Leadership Development (PLD) sa prestihiyosong unibersidad sa USA kaya naman dagdag achievement ito sa patuloy niyang pagpapaunlad ng sarili.
Sa kanyang IG story ay inilahad ni Matteo ang anim na buwan niyang journey na humamon sa kanyang personal at propesyonal na buhay.
Matatandaang mayroong magandang TV career si Matt sa bansa nang sabay niyang gawin ang pagkuha ng naturang business leadership program sa Harvard.

Mayroon din siyang aktibong gawain bilang reservist sa Philippine Army kung saan may ranggo siyang Second Lieutenant. Sa katunayan, may ongoing documentary TV show siya tungkol sa mga adbokasiya dito.
Bukod pa diyan ang personal na pagbuo nila ng pamilya ng asawang si Sarah Geronimo, isa nga sa mga itinuturing na pinaka-malaking bituin sa showbiz at music scene.
Pahayag nito, “Mission accomplished but the mission ALWAYS continues. Six months of case studies, sleepless nights, and focus. When Professor Margolis asked what’s one thing we would like to leave behind to our PLD (program for leadership development) cohorts, this is what I wrote: “Let us hold the ground with our morals and values for family and country. Let’s continue to win the hearts and minds of the people around us. Continue to scaffold up and stretch to create a difference and value to the world.”
“To my family, and to my wife — thank you for all the support. This one’s because of you.”
Tila hindi naman ito masyadong tinanggap ng mga supporters at tagahanga ni Sarah na may mga tanong kung bakit hindi man lang daw ma-encourage ni Matt ang asawa na mag-pursue din ito ng pag-aaral gayung halos nag-semi-retire na din ito sa showbiz.
May mga nagpaparatang pa sa aktor-host na sarili lang daw nito ang iniintindi dahil sa sunod-sunod nitong pagtatapos ng pag-aaral habang nasa ‘sideline’ lang daw ang higit na mayaman at sikat nitong asawa?
May sariling production house ang mag-asawa na G Productions kung saan pinatatakbo nila ang mga usapin sa music, concert at iba pang production requirement na may kaugnayan sa showbiz.
Engaged din sila sa restaurant at food business, bukod pa sa pagdevelop ng kani-kanilang brands.
Nagtapos din ng mga programa sa marketing and brand values si Matt, isang bagay na ibinabato sa kanya ng mga fans ni Sarah dahil tila pinagmumukha lang daw nitong “alalay” ang Royal Pop Princess ng showbiz.
May mga nagpaparatang din kay Matt na baka daw mas may higit pa itong ambisyon sa buhay dahil galing din daw ito sa angkan ng mga kilalang pulitiko.
“Who knows, ang lahat ng iyan ay preparasyon niya sa mundo ng pulitika soon. Halata naman yatang ginagamit lang niya si Sarah,” komento pa ng mga bashers.


