Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kim Chiu, may “simpleng resbak” kay Ogie Diaz?

Para sa maraming followers ni Kim Chiu, ang pag-repost ng kanilang idolo sa kanyang IG stories tungkol sa motivational messages ay simpleng resbak ng aktres-host sa tila mas lumalang sitwasyon ng Ryzza Mae joke nito matapos itong i-vlog ni Ogie Diaz.

Ayon sa mga netizen na laging nakasaklolo kay Kim sa mga bashing at pang-ookray sa socmed, hindi kinailangan ng idolo nila na patulan pa ang isang Ogie Diaz na umano’y isang clout chaser at mahilig sumawsaw sa mga kontrobersyal na usapin sa showbiz.

Matatandaang nagsimula ang lahat nang nag-viral ang portion na nagamit ang name ni Ryzza Mae sa Laro, Laro Pick kung saan may “skit” na ginawa sina Kim at Brent Manalo, kasama si Jugs Jugueta.

Mula sa salitang “Lotus Feet” na sinabi ni Brent na nasa likod ni Kim ay sumulpot nga si Jugueta na naka-costume ala-popular Feng Shui character, na biglang tinawag ni Kim ng ,”Ay bakit si Ryzza Mae.”  

Nakumpirma pa ng mga netizen na nire-refer nga nila ang Eat Bulaga host nang isayaw pa ni Jugs ang sikat na “Cha Cha Dabarkads” na identified kay Ryzza Mae Dizon.

Binatikos ang It’s Showtime lalo na si Kim nang mga nagsasabing masyado itong taklesa at nahawa na sa ibang host ng show na gumagamit ng panlalait ng ibang tao para magpatawa.

Bunga nito, isa nga si Ogie Diaz sa mga aktibong socmed vloggers na tinalakay ang isyu kasama ang iba pa niyang co-hosts sa podcast nilang Ogie Diaz Showbiz Update.

Sa ginawang pagtalakay ni Ogie sa usapin ay naikuwento naman nito ang isang pangyayari sa kanila ni Kim noon kung saan hindi daw nito mawari kung nakasimangot o natutuwa si Kim nang pagsabihan siya nito ng “mabuti naman pinapasok kayo?”.

Ito nga daw yung insidente na mayroon silang hindi pagkakaunawaan noon ni Kim kaya’t tila laking gulat nito ang makitang nasa same studio sila sa ABS-CBN,

May hirit pa si Diaz na 1990 ipinanganak si Kim habang 1992 ay nagtatrabaho na si Diaz sa ABS-CBN.

Hindi ito nagustuhan ng mga supporters ni Kim na tila pinasasaringan daw ng beteranong showbiz reporter sa kung anong klaseng ugali meron ito. Besides, bakit kailangan pa daw itong ungkatin kung matagal na itong nangyari at walang malice sa panig ni Diaz na “siraan” ang idol nila.

Sunod-sunod na binanatan at pinuntirya ngayon ng mga fans ni Kim si Diaz kahit pa nga sa kabuuan ng pagkukuwento ay ipinagtanggol naman nito si Kim sa Ryzza Mae incident.

Samantala, ni-repost naman ni Kim ang ilan sa mga reaksyon ng kanyang fans hinggil sa “resbak” nila kay Diaz hanggang nag-repost na din ito ng motivational message kung paano huwag magpaapekto sa mga taong hindi siya naiintindihan.

Narito nga ang ilan sa mga naturang IG repost ni Kim:

“At some point you have to accept that you’re going to be the villain in someone else’s story.

“Let them talk. Let them misunderstand you. Let them have their opinion…

“If someone paints you as the villain, let them. Just don’t shrink yourself trying to rewrite the story that you never meant to be a part of.”

Nakita din sa kanyang IG feed ang isang video niyang nagkakape sa isang restaurant abroad kung saan may caption itong nagpapaalala na sa dami ng kanyang pinagdaraanan ay malalampasan din niya ang anuman iniinda.

“You’ve made it through things you thought would break you. You’ve stood alone in rooms where no one knows your pain.

“You survived days you think you wouldn’t make [it] through…

“If no one has told you lately, I’m proud of you for holding on. For still trying. Even when it’s hard.

“You’re not behind. You’re not weak. You’re human. And that’s enough.”

Para sa mga tagapagtanggol ni Kim ay simpleng paraan daw yun ng aktres host na ipabatid hindi lang kay Ogie Diaz ang mensaheng hindi nila kayang tibagin ang gaya ni KIm.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles