Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Tip ng concerned citizen nagpasiklab ng 12-hour manhunt; rape suspect timbog

Arestado ng Philippine National Police (PNP) ang isang most wanted person na nahaharap sa dalawang counts ng Statutory Rape matapos ang tip ng concerned citizen na nauwi sa 12-hour manhunt noong June 26.

Nagsimula ang operasyon sa impormasyong agad na inaksyunan ng Police Regional Office 3 (PRO3).

Pinagtulungan ng Regional Special Operations Group 3–Regional Intelligence Division (RSOG3-RID), PRO3 Cyber Patrol ng Regional Intelligence Division, at Sta. Maria Municipal Police Station ang validation ng intelligence sa pamamagitan ng online at social media monitoring.

Dahil dito, natukoy at natunton ng mga awtoridad ang akusado.

Nauwi ang manhunt sa matagumpay na pagsisilbi ng awarrant of Arrest laban sa suspek para sa dalawang counts ng statutory rape.

Inilabas ang warrant ng Regional Trial Court, Branch 61, Angeles City, Pampanga.

Walang inirekomendang piyansa sa kaso. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles