Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

City of Dreams, on steady operations pa rin

Tuloy ang normal na operasyon ng City of Dreams Manila sa gitna ng balitang ibinebenta ang stake ng isa sa mga may-ari nito.

Sa isang pahayag, tiniyak ng pamunuan ng City of Dreams na walang magiging aberya sa takbo ng integrated resort at casino complex kahit may usapin ng stake sale sa corporate level. 

Nilinaw ng kumpanya na hiwalay ang usapin ng bentahan ng shares sa araw-araw na operasyon ng hotel, gaming floor, at iba pang pasilidad sa Entertainment City.

Sinabi din ng management na nananatiling bukas at fully operational ang mga hotel tower, restaurant, retail outlets, at gaming areas. Wala ring anunsyo ng pagbabawas ng empleyado o pagbabago sa serbisyo sa mga bisita.

Gayunman, iginiit ng City of Dreams Manila na tuloy ang kanilang mga programa at operasyon alinsunod sa regulasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation. Nasa corporate level ang transaksyon at hindi umano ito makaaapekto sa kasalukuyang empleyado at customer experience.

Ang City of Dreams Manila ay isa sa mga pangunahing integrated resort sa bansa, may hotel, casino, at entertainment facilities na dinarayo ng lokal at dayuhang bisita. Habang nagpapatuloy ang usapin sa stake sale, malinaw ang mensahe ng pamunuan, tuloy ang negosyo at walang pagbabago sa serbisyo sa publiko. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles