Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DA isinusulong ang pagbuhay sa Banaue para isalba ang rice terraces

BANAUE, Ifugao – Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang mas agresibong hakbang para maprotektahan ang tanyag na Ifugao Rice Terraces sa harap ng climate pressures, lumang imprastruktura, at nagbabagong kabuhayan ng mga magsasaka.

Binisita ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang Banaue nitong Biyernes, June 26, upang inspeksyunin ang kalagayan ng terraces, tingnan ang agricultural infrastructure, at makipag-usap sa farmers at local officials tungkol sa produksyon, climate resilience, at rural livelihood.

Ngayong 2026, naglaan ang DA ng mahigit P218.8 million para suportahan ang palay, mais, high-value crops, livestock, climate adaptation, at farmer development programs sa Ifugao. Makikinabang dito ang mahigit 400 farmers’ organizations at agricultural communities sa probinsya.

Sa ilalim naman ng Philippine Rural Development Project (PRDP), nakapagpondo na ang DA ng 10 malalaking infrastructure projects sa Ifugao na nagkakahalaga ng mahigit P2.025 billion. Kabilang dito ang pitong farm-to-market roads na P1.903 billion, dalawang potable water supply systems na P112.2 million, at isang communal irrigation system na P9.76 million.

Bukod pa rito, may 18 nakumpletong farm-to-market road at potable water supply projects sa Ifugao na nagkakahalaga ng P810.55 million.

Para sa 2027, inindorso ng DA ang panukalang P147 million para sa rehabilitation ng rice terraces sa Cordillera, kabilang ang P68 million para sa Ifugao at P30 million para sa rehabilitasyon ng dalawang agricultural tramlines.

“Ang Ifugao Rice Terraces ay higit pa sa yamang pangkultura. Ang mga ito ay buhay na sistemang agrikultural na sumusuporta sa produksiyon sa pagkain, turismo, at kabuhayan sa kanayunan,“ani Tiu Laurel. “Ang ating layunin ay masigurong mapapanatili ito kasabay ng modernisasyon sa pamamagitan ng pagtulong sa mga magsasaka na maging produktibo, matatag sa klima, at kumikita habang pinoprotektahan ang pamana na napanatili mg henerasyon. Ang ating katutubong bigas ay nagpapakita ng malaking oportunidad para sa export, at determinado tayo na gawin ito bilang mataas na uri ng produkto ng Pilipinas na kinikilala sa buong mundo.”

Sentro ng pagbisita ang Batad Rice Terraces, bahagi ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO)-listed Rice Terraces of the Philippine Cordilleras at mahalagang pinagmumulan ng katutubong bigas at agri-tourism income.

Pero may bahagi ng terraces na nagpapakita na ng pagkasira, kabilang ang sirang stone walls, damaged irrigation systems, at pabago-bagong climate patterns. Hinihingi ng local stakeholders ang rehabilitation ng terraces, irrigation repair, disaster risk reduction measures, at mas malawak na suporta sa native rice programs.

Mas kumplikado ang problema dahil sa UNESCO requirements na naglilimita sa paggamit ng non-traditional materials sa repairs. Lumalaki rin ang pangamba sa conversion ng ilang terrace areas bilang taniman ng gulay.

Binisita rin ni Tiu Laurel ang 1.2-kilometer San Fernando-Lubu-ong tramline na nag-uugnay sa farming communities ng Banaue at Hungduan, at ang 520-meter Viewpoint-Ki-iyang Tramline na natapos ng DA noong 2014.

Napag-alamang gamit na gamit ang Viewpoint-Ki-iyang Tramline sa mabibigat na kargada, madalas masira, at kailangan ng rehabilitation at upgrading. Inirekomenda ni Tiu Laurel ang pag-upgrade nito batay sa disenyong kinomisyon niya dalawang taon na ang nakalipas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles