Muli na namang pinag-usapan ang pagiging “taklesa” ni Kim chiu nang dagsain ito ng bashing kamakailan nang dahil sa pagbanggit niya ng name ni Ryzza Mae (Dizon) sa isang bahagi ng Laro, Laro Pick sa It’s Showtime.
Bilang nagbibigay ng “clue” sa naturang portion para mahulaan ng contestant ang title ng isang kanta, may “skit” na in-act out sina Kim at Brent Manalo with Jugs Jugueta.
Habang ni-re-recite ni Kim ang mga lyrics ng kantang pahuhulaan, biglang sumegue si Brent nang dialogue, “si Lotus Feet nasa likod mo.”
Dito na nga lumabas si Jugs sa likod ni Kim, na naka-costume na ala-Lotus Feet ng popular na “Feng Shui” movie.
“Ay, bakit si Ryzza Mae,” sigaw ni Kim na ginawa na ngang katatawanan ng iba pang hosts ng show.
Dahil sa pangyayari, mabilis na kumalat ang reel ng naturang skit at pinutakte na nga ng bashing si Kim sa muli daw nitong pagiging taklesa.
Maraming netizen ang nagsasabing “out of context” ang pagkakagamit ni Kim ng name ng Eat Bulaga host lalo’t matagal na nilang ka-kumpetensya ang show sa noontime.
Narito ang ilan sa mga “hanash” ng netizen sa nangyari:
“She (Kim) has nothing between her ears to begin with.”
“Actually. Mabait and praiseworthy naman din sya kaso parang lagi syang may sablay or inappropriate na hirit. Minsan, di mo masabi kung di lang nakapag-isip at nauna lang ang maling hirit or kulang lang talaga sa kaalaman.”
“Hala Kim, hindi ka rin nman kagandahan before enhancement but cute ka after PBB.”
“Anong hindi nilait, she outright used Ryza to encourage laughter from the audience. Its off and very bad taste. She doesn’t have manners and class -makapagpatawa lang.”
“Sa Totoo lang, yung pagkataklesa nya, nakakainis. Di dapat binibigyan ng microphone.”
“I like Kim… but no! Ryzza Mae is too kind and too pure para itreat ng ganito. Actually, they’re both humble but Ryzza Mae is wayyyy better.”
“Matulungin si Kim pero nakaka offend yang ginawa ni Kim kay Ryzza Mae.Sana mag isip isip din siya bago humirit na hindi na siya nakakatuwa at nakakatawa. Kung siya ginanyan matutuwa ba siya?Napaka Insensitive.”
May mga fans din naman si Kim na nagtanggol at nagsabing masyado lang daw na pinalalaki ang isyu lalo’t normal naman daw sa It’s Showtime gaya sa Eat Bulaga na gumamit o magbanggit ng names ng ibang tao o celebrity para gamiting subject sa kanilang pagpapatawa.
Wala pang inilalabas na pahayag si Kim o sinuman kina Brent o Jugs o iba pang It’s Showtime hosts tungkol sa isyu.


