Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Herlene Budol, ‘sinopla’ si Gov. na nais siyang i-one night stand 

“Women are not for sale!”

Iyan ang nagsusumigaw na post ni Herlene Budol sa kanyang Facebook post last June 27, 2026, na ikinabigla ng maraming netizen dahil isa daw pala yung “indecent proposal” mula sa isang nagpakilalang “Gov.”

Sa pinag-uusapang screen shot ni Herlene mula sa Messenger ng personal niyang FB account, mapagtatanto na may naganap ngang ‘inquiry at tawaran’ sa umano’y pagnanais ni Gov. na maka-one night stand ang aktres-host.

Hindi naman ibinunyag ni Herlene kung sino ang kanyang kausap maliban sa pagpapakilala nito bilang si ‘Gov.’

Sa nag-viral na screenshot, marami ang nagtataka kung bakit inabot daw ng matagal na oras ang naging convo nina Herlene at nagpakilalang Gov.

Diumano, nagsimula ang pag-inquire ni Gov. sa oras na 2:37 ng madaling araw.

Ayon sa mensahe ng sender kay Herlene, “Can I ask if available ka for one night stand and magkano?”

Agad umano itong sinundan ng ‘missed call’ ng naturang sender.

Ilang oras matapos ang missed call ay nag-message uli ang sender para magbigay ng rate.

“150k,” nakasaad sa message na ipinadala noong 9:19AM.

Dito na nagpuyos ng galit ang aktres-host na obvious naman daw na hindi intresado at ayaw na sanang patulan pa ang inquiry kundi lang nangulit at nagbigay ng presyo.

Sinagot ito ni Herlene sa oras na 11:22 A.M. 

“Hello gov pakyu sayo na 150k mo! Itulong mo na lang yan sa nasasakupan mong lugar godbless haha!”

Then agad din umano itong blinock ni Herlene.

Pagkatapos ay kaagad din itong pinost ni Herlene sa socmed upang bigyan daw ng babala ang mga kagayang personalidad at publiko na tunay na nag-eexist ang mga kagayang transaksyon sa mga gaya niyang madaling puntiryahin ng pambabastos at panloloko.

Minsan nang nasangkot si Herlene sa isyung may kinalaman sa inappropriate private messages.

Matatandaang halos kuyugin ng netizen si Herlene dahil sa pakikipaglandian diumano nito kay co-star niya noong si Rob Gomez. Ang noo’y ka-live in ni Rob na isang beauty queen din ang nagbulgar ng landian daw nina Rob at Herlene.

Kusang namatay ang isyu lalo’t kapwa inamin nina Herlene at Rob na bahagi ng kanilang “usual and natural” na biruan ang nilaman ng palitan nila ng mga “malalanding mensahe” na may himig nga umanong “sexual favors and fantasy.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles