Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Miguel Tanfelix at Lexi Gonzales nagpa-iyak!

Sa patuloy na paghahanap ni Galo (Miguel Tanfelix) sa kanyang kapatid na si Sunshine (Shayne Sava), isang panibagong hamon ang kanyang haharapin sa pagpanaw ni Emma (Lexi Gonzales) sa Taskforce Firewall.

Ang mga eksenang ito ang nagpakapit sa mga manonood noong Huwebes. Sey ng ilang netizens, “damang dama namin ang sakit Miguel, sobrang husay mo talaga. pati kami ng family ko umiiyak.”

Kamakailan ay ibinahagi ni Miguel sa isang interview na ang ilan sa mga eksena nila ni Lexi ay naging open collaboration sa director at writers. 

Nais nilang ibahagi sa viewers ang lalim ng relasyon nina Galo at Emma, kaya’t nagdagdag sila ng ilang sequence sa safe space ni Galo. Ito naman ang nagdala sa isang emosyonal na gabi kung saan nagpakita pa si Emma kay Galo kahit sa imahinasyon lamang.

Mapagtagumpayan na nga kaya ng Tropang Firewall ang misyon na ito, o mabubunyag na kung sino ang taksil sa grupo? Abangan ang maiinit na eksena sa Taskforce Firewall, gabi-gabi, 8:50PM sa GMA Prime!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles