Matapos ang emosyonal na tagpo nina Ibyang (Sienna Stevens) at Atoy (Dingdong Dantes), napagdesisyunan nina Ame (Jo Berry) na magtulungan para makapag-aral si Ibyang. Schoolgirl era na nga ba si Ibyang o patuloy niyang susuwayin si Atoy?
Samantala, isang malaking hamon naman ang haharapin ni Dmitri (Tonton Gutierrez) dahil sa kanyang pag-amin kay Audrey (Max Collins) sa pagbubuntis nito habang siya ay nasa coma.
At para makabawi, ipapahanap niya ang anak ni Audrey. Talaga namang hook na hook ang viewers sa mga plot twist sa story ng The Master Cutter.
Gabi-gabi itong napapanood sa GMA Prime at sa streaming platform na Netflix. Sa recent post ng bidang si Dingdong ay nagpasalamat siya sa walang sawang suporta ng viewers sa The Master Cutter.
Sey ng aktor “Gusto ko lamang mag pasalamat at i-share — nang dahil po sa patuloy ninyong pagtangkilik, nananatiling matatag ang The Master Cutter bilang nag-iisang Filipino TV show sa Netflix Top Ten. Mahal po namin kayo!”


