Isa na namang inaabangang serye ang mapapanood sa TV5!
Mas lalong tumitindi ang excitement para sa inaabangang “Someone, Someday” matapos ilabas ang official teaser at official poster ng serye, na tampok ang pagbabalik sa primetime ni Asia’s Superstar Kathryn Bernardo.
Matapos ang matagumpay na pagdating ng “Coco Martin’s Sigabo,” isa na namang malaking handog ang mapapanood ng mga Kapatid viewers sa pagdating ng “Someone, Someday,” ang feel-good drama na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador.
Bahagi ito ng patuloy na content partnership ng TV5 at ABS-CBN, na naglalayong dalhin ang mas marami at mas de-kalidad na mga kuwento sa mas maraming Pilipino sa iba’t ibang platform. Dahil dito, mas marami ang makakasubaybay sa inaabangang serye sa TV5, kasama ng iba pang platforms.
Tampok sa serye si Kathryn bilang isang batang CEO na bumuo ng isang dating app na layuning tulungan ang mga kababaihang matagpuan ang pag-ibig. Makakasama niya sina James Reid, Maja Salvador, McCoy De Leon, Gela Atayde, Matt Evans, at marami pang mahuhusay na artista.
Patuloy ang TV5 sa pagbibigay ng mas maraming mapagpipiliang de-kalidad na programa para sa bawat Pilipino. Sa pagdating ng “Someone, Someday,” tiyak na mas marami pang pamilya ang magkakasamang makakasubaybay sa isa na namang kuwentong puno ng pag-ibig, inspirasyon, at pag-asa.
Abangan ang “Someone, Someday”—malapit na sa TV5


