Mas lumakas ang kita ng Del Monte Pacific Ltd. (DMPL) sa fourth quarter na nagtapos noong April 30, 2026, matapos hatakin ng mas malakas na exports, firmer pricing, at mas mataas na margins ang earnings nito.
Umakyat ng 11 percent ang quarterly sales sa USD213.7 million mula USD191.9 million noong nakaraang taon, bunsod ng 17-percent increase sa international revenues habang lumakas ang demand para sa fresh at packaged pineapple products.
Tumaas ng 18 percent ang fresh pineapple sales, suportado ng mas malakas na shipments ng premium S&W Deluxe Pineapple.
Sa Philippine business, lumago ang sales ng 5.9 percent in peso terms dahil sa mas malakas na demand para sa beverages, culinary products, dairy, at snacks, kasabay ng price increases at new product launches.
Dahil sa mas magandang pricing at richer product mix, umakyat ang gross margin sa 33 percent mula 30 percent kahit mas mataas ang logistics costs.
Sumirit ng 43 percent ang earnings before interest, taxes, depreciation, and amortization (EBITDA) sa USD47.6 million, habang ang comparable operating profit ay umakyat ng 74 percent matapos ibukod ang one-off gain mula sa India share swap na naitala sa prior-year quarter.
Umabot sa USD10.1 million ang net profit, higit triple ng comparable USD2.9 million noong nakaraang taon.
Ipinapakita ng resulta ang pagtuon ng management sa higher-margin fresh exports at branded consumer products sa Asia, habang nananatiling matatag ang demand mula China, Japan, at iba pang international markets.
Pero nananatiling nakabantay ang mga investor sa financial position ng kumpanya. Tinapos ng DMPL ang fiscal year na may net capital deficit na USD589.9 million at negative shareholders’ equity matapos ang impairment ng discontinued United States operations.
Patuloy na binabawasan ng management ang utang at mino-monetize ang non-core assets para mapahusay ang liquidity, pero kritikal pa rin ang pag-ayos sa capital structure para mapanatili ang earnings recovery at mapalakas ang investor confidence. /Bistado


