Bagsak ang marka ng Pilipinas sa ilang pangunahing human rights indicators sa 2026 Rights Tracker ng Human Rights Measurement Initiative (HRMI), na sumusukat sa human rights performance ng 200 countries and territories.
Sa Safety from the State, nakakuha ang Pilipinas ng 4.6 out of 10. Ipinapakita nito na maraming tao ang hindi sapat na ligtas mula sa arbitrary arrest, torture and ill-treatment, forced disappearance, o extrajudicial killing, ayon sa country profile ng HRMI.
Pinakamababa sa Safety from the State scores ng bansa ang freedom from arbitrary arrest, na nasa 3.1 out of 10. Sumunod ang torture and ill-treatment sa 4.0, extrajudicial execution sa 4.6, forced disappearance sa 5.3, at death penalty sa 10.0.
Ayon sa HRMI, mas mababa sa average ng Southeast Asia ang performance ng Pilipinas sa right to be safe from the state.
Sa Empowerment, nakakuha ang Pilipinas ng 5.4 out of 10, indikasyong marami ang hindi lubusang nakikinabang sa civil liberties at political freedoms, kabilang ang freedom of speech, assembly and association, democratic rights, at religion and belief.
Pinakamababa sa Empowerment indicators ang assembly and association, na nasa 4.3 out of 10. Nasa 5.4 ang opinion and expression, 7.0 ang participate in government, at 7.9 ang religion and belief.
Sa Quality of Life, nakakuha ang Pilipinas ng 74.9 percent laban sa income adjusted benchmark, o sukat kung gaano kalapit ang bansa sa dapat nitong maabot batay sa antas ng kita nito. Pero ayon sa HRMI, mas mababa sa average ng Southeast Asia ang performance ng Pilipinas sa Quality of Life rights.
Sa income adjusted benchmark, nakakuha ang Pilipinas ng 66.1 percent sa education, 65.9 percent sa food, 76.5 percent sa health, 84.5 percent sa housing, at 81.3 percent sa work.
Kapag ikinumpara naman sa global best benchmark, nasa 72.5 percent ang Quality of Life score ng bansa. Sa breakdown, 58.4 percent ang education, 64.5 percent ang food, 74.5 percent ang health, 83.9 percent ang housing, at 81.3 percent ang work.
Saklaw ng Quality of Life metric ang obligasyon ng Estado na tuparin ang karapatan ng mamamayan sa education, health, housing, work, at access to food, batay sa details na ibinigay tungkol sa HRMI 2026 dataset.
Ayon sa HRMI, ang Rights Tracker ay isang global project na sistematikong sumusukat sa human rights performance ng mga bansa. Saklaw ng 2026 dataset ang scores sa 14 civil and political rights para sa mahigit 50 countries mula 2017 hanggang 2025, at annual data sa limang economic and social rights para sa 200 countries mula 2000 hanggang 2023, gamit ang Social and Economic Rights Fulfillment Index methodology. /Bistado


