SAN JOSE DE BUENAVISTA, Antique – Umabot na sa 249 dengue cases at isang nasawi ang naitala sa Antique mula January 1 ngayong taon, kaya muling pinaalalahanan ng Antique Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang publiko na sundin ang 4S strategy laban sa dengue.
Pinakamaraming kaso ang naitala sa Bugasong na may 37, Sibalom na may 35, Valderrama na may 27, Culasi na may 21, at San Jose de Buenavista na may 18 cases, batay sa datos mula January 1 hanggang ngayong Miyerkules, June 24.
Ang nag-iisang nasawi ay mula sa Patnongon, kung saan may 14 na dengue cases. Pumanaw ang biktima noong May 3.
“A female, 99 years old, from Patnongon died due to severe dengue,” sabi ni Irene Duldoco, information officer ng IPHO, sa panayam nitong Miyerkules.
Ayon kay Duldoco, patuloy na pinapaalalahanan ang publiko na sundin ang 4S: search and destroy mosquito breeding sites, secure self-protection, seek early consultation, at support fogging or spraying only in hotspot areas para maiwasan ang posibleng outbreak.
Para palakasin ang dengue awareness, magsasagawa ang IPHO ng health talk kasama ang Department of Health Western Visayas Center for Health Development sa bayan ng Sebaste sa Huwebes. /Bistado


