CAVITE – Tatlong bata na edad apat hanggang anim ang ligtas na na-rescue ng mga operatiba ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) sa Cavite matapos ang mabilis at coordinated na operasyon laban sa umano’y online sexual exploitation.
Arestado rin sa operasyon ang isang suspek sa bisa ng court-issued warrant.
Isinagawa ang operasyon sa Bacoor at Silang, Cavite noong June 22, 2026, kung saan nagsilbi ang law enforcement teams ng warrant to search, seize, and examine computer data.
Kasabay nito ang simultaneous victim location and rescue operation para mailigtas ang mga bata.
Kinilala ang suspek sa alias na “Arnel,” 27-anyos, lalaki, security guard, at dating kapitbahay ng mga biktima. Naaresto siya habang isinasagawa ang operasyon.
Ayon sa awtoridad, naisampa na ang kaukulang kaso laban sa suspek dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 11930, o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act, at sa Republic Act No. 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Patuloy ang paghawak ng awtoridad sa kaso habang binibigyan ng kaukulang proteksyon at assistance ang mga rescued children. /Bistado


