Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pops Fernandez’s wax figure, sumigaw ng hustisya kaya’t tinanggal na!

Nang dahil sa matinding batikos na inabot ng pamunuan ng Star City, napagpasyahan nilang tanggalin muna sa kanilang STARtista Gallery, ang  wax figure ng concert queen Pops Fernandez.

Isa lamang si Pops sa maraming mga celebrity-icons na binigyang espasyo at pagpupugay ng Star City dahil sa naging kontribusyon nila sa showbiz industry in general.

Ang naturang star-powered attraction sa kanilang amusement park ay nagsisilbing local counterpart ng sikat na Madame Tussauds Wax Museum sa Hongkong kung saan inilalagay ang mga wax figures ng mga celebrities na nakalikha ng pambihirang influence at kuneksyon sa mga tao.

Mayroon ng mga filipino celebrities na napasali sa naturang wax museum na bahagi na ng malaking atraksyon sa Hongkong gaya nina Manny Pacquiao, Lea Salonga, Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Anne Curtis, at Kathryn Bernardo.

Sa version ng Star City na STARtista gallery, makikita sina Richard Gomez, Lucy Torres, Ara Mina, Isko Moreno, Lisa Macuja-Elizalde at iba pa, kasama na nga si Pops Fernandez.

Nag-viral ang pambubuska at pamimintas ng netizen nang ilabas nila sa media ang naturang mga wax figures na sinabi nga ng madlang pipol na mukhang hindi gaanong piang-aksayahan ng oras at pera para magaya man lang kahit paano ang hitsura ng mga celebrity-icons.

Nasentro nga kay Pops ang pamimintas dahil pinagmukha daw itong matada, pangit at parang drawing lang ang mukha at hilatsa. Malayong-malayo umano sa ganda at kasieksihan ng itinuturign na concert queen ng bansa.

Sa inilabas na statement ng Star City, sinabi nilang, “At Star City, our mission has always been to bring big, magical experiences within reach for every Filipino family—the kind of experiences that usually require a passport and a plane ticket. To be completely real with you: we know we are just getting started. Some of our statues aren’t quite perfect yet, and we are already actively working behind the scenes to improve and refine them.”

Dagdag pa ng statement, “But for us, this was about starting somewhere. It isn’t about perfectly replicating what’s abroad right out of the gate; it’s about finally creating a dedicated space right here at home to celebrate our very own local icons. We wanted to build a place where everyone, regardless of background, can come in, have fun, and feel close to the stars they love.”

Si Lisa Macuja-Elizalde, ang prima ballerina ng bansa at maybahay ng may-ari ng Star City na si Don Fred J. Elizalde ang isa sa mga brain-children ng naturang proyekto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles