Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Matet de leon, “utang-uta” na sa mana isyu; wala ng pakialam kay Ian

Mulling nagbigay ng kanyang reaksyon ang nakababatang kapatid nina Lotlot at Ian de leon na si Matet sa naganap na sagutan ng kanyang mga ate at kuya.

Sa pamamagitan ng kanyang Tiktok account ay tila nang-uurot at may pang-iinsultong nagparamdam si Matet na may video upload na nag-lip sync sa sikat na kanta ng bandang Yano na “Banal na Aso, Santong Kabayo”.

Agad din itong pinagpiyestahan ng mga tsismosa sa showbiz na nakasubaybay sa tila teleseryeng awayan ng magkakapatid sa isyung “mana” ni National Artist at Superstar Nora Aunor.

Maraming mga nagsasabing mga fans ni Nora na nakikiusap sa mga ito na gawin na lang pribado ang anumang usapin sa inheritance ng ina dahil nagiging “pangit” tuloy ang magandang legacy ni Aunor.

Sey nga isang netizen, “Sa’kin lang naman tama na, sana ma-resolve privately,” na agad sinagot ni Matet.

“Kami ba ang gag-? O ang mga tao? Nananahimik kami. Mana ng mana. Nakaka suka naaaaaaa! Wala kami ire-resolve. Ayoko mag-resolve. Manahimik na lang mga kup@l na nagco-comment na akala eh alam lahat. Ok na yun. Wala akong pakialam kay Ian,” ang tila nangangalaiting reply ng aktres.

Komento naman ng ibang Noranians, “hirap kasi ni-reresolve naman nila privately, kaso itong media and social media commentors ang nagpapalala. Like? Ba’t ba kasi tanong nang tanong? Hindi na ba alam ang privacy? At ‘wag na makialam sana sa iba. Family problem nila yan.”

Sinagot ito ni Matet na may pagka-sarkastiko, “Walang privacy privacy!!! Dapat naka labas lahat!!! lahaaaaat!!! Hahahahaha.”

Marami pa ding nalulungkot sa kinahantungan ng usaping “mana at pagtatayo ng foundation” ng magkakapatid para sa kanilang ina.

Dagdag pang reaksyon ng mga tagahanga ng Superstar, “sa ginagawa ninyong iyan, kayo na rin ang sumisira sa mga nagawang kontribsuyon ng nanay ninyo sa showbiz. Ano pa ang saysay ng kanyang pagiging Superstar at National Artist kung mismong ang mga anak niya o mga taong dapat ay nangangalaga ng kanyang magagandang halimbawa ay hindi nagkakasundo at nagkakagulo ng dahil sa pera, sa mana?”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles