Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sarah Geronimo at daddy Delfin, muling nag-bonding nung Father’s Day

Sa naging selebrasyon ng Father’s Day last June 21, pinag-usapan ang IG post ni Sarah Geronimo kung saan makikitang kasama nitong muli ang amang si Delfin Geronimo sa isang mall.

Sa ginawa ngang pagbabahagi ni Sarah ng mga photos kasama ang ama sa tila shopping spree nila sa isang mall at paglalakad kasama ang paborito nitong aso na si Nina, kumbinsido ang lahat na “everything is okay na” sa pagitan nina Sarah at pamilya.

Kilalang maka-ama at paborito ni Sarah ang tatay niya kaya nga lang ay nang magkaroon sila ng problema ng pamilya sangkot ang kayang ina, tila naging ‘stranger’ si Sarah sa pamilya.

Noong April this year ay nasaksihan na ng madlang pipol ang socmed post ng Pop Royalty kung saan for the very first time after four years na ikinasal si Sarah kay Matteo Guidicelli, ay muling nabuksan ang komunikasyon ng mag-ama.

At last Father’s Day nga, may caption na ang naturang post kung saan binati nga ni Sarah ang ama at tinawag pa niyang itong “daddy Delfin guwapo,” sabay bati na rin sa lahat ng ama na masaya daw sa selebrasyon ng okasyon.

Although marami pa ring netizen ang umaasang very soon ay ang ina naman niyang si Divine Geronimo ang makakasama niya sa kanyang mga posts.

“It will come. Let it be the day,” hiling ng maraming mga fans ni Sarah na nagbigay din ng wish na sana din daw ay very soon ay magkaroon na sila ng ‘anak’ ni Matteo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles