Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PBBM umaasang balik-trabaho na ang Senado sa ilalim ni Gatchalian

Umaasa si President Ferdinand Marcos Jr. na makababalik na sa normal ang trabaho ng Senado matapos mahalal si Senator Sherwin Gatchalian bilang bagong Senate President.

Sa panayam sa Philippine media sa Kazan, Russia nitong Huwebes bago siya umalis pabalik ng Manila, welcome kay Marcos ang pag-upo ni Gatchalian sa liderato ng Senado.

“Sana naman, sa paglagay kay Senator Sherwin bilang SP ay mabalik naman tayo sa normal na patakbo ng Senado,” sabi ni Marcos.

“And that they can take care of the business of government, the business of legislation, and all these necessary legislation that we listed to show that are priority.”

Ayon sa Pangulo, kailangan nang talakayin ng Senado ang mga priority legislation na dati nang tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Kailangan din umanong asikasuhin ng Senado ang mga panukalang batas na nakalusot na sa debate sa House of Representatives.

“Karamihan – hindi, lahat ng nandoon, tapos na sa House. So, kailangan kunin na ng Senado para maipasa na, para maging batas,” sabi ng Pangulo.

“Some of them are from before, some of them are new in response to the oil crisis in the Middle East. Iba-iba pero lahat kailangan.”

Bukod sa mga panukalang batas, sinabi ni Marcos na kailangan ding kumpirmahin ng Senado ang mga bagong appointment mula sa foreign affairs service, pati ang promotions sa military at police.

Ayon sa Pangulo, natigil ang mga ito habang nagkakagulo sa Senado.

“All of those just came to a dead stop noong nagkakagulo,” sabi ni Marcos. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles