Nangamba ang mga tagahanga nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos nang biglang mag-deactivate ng kanyang socmed account si Isabel.
Sa huling post nito kaugnay ng kanyang ika-30 birthday nitong June 18 ay tila naintriga ang mga tagasubaybay nila sa mala-cryptic message nitong “I give up. Birthdays are just a day in a year you force to feel something. I’ve never had a good birthday for over 6 years and I don’t know why I keep trying.”
Sinundan pa ito ng nakaka-intrigang “I’d like to stop this charade.”
Na sinundan pa ng higit na may laman at mahabang mensahe mula sa isang photo quote kung saan nakalagay ang ‘Happy Birthday week Isabel Santos’ at nagsasaad ng ganito:
“36 is the year you start accepting compliments without embarrassment. This year your task is to believe in the promise of your own life. Say no to shit you hate. Remember what it feels like to roll around in your own dreams. Go to the limits of your longing. Leave the door open for people to walk through. As you journey into the next year, say, ‘Here I am,’ and listen closely as the universe responds, ‘So glad you are.’”
Sa isa pa ring hiwalay na post ni Isabel ay may larawan ng isang tila isang “marble rock” kung saan nakaukit ang mga katagang “men don’t protect you anymore.” Nilagyan niya pa ito ng caption na “they follow the (money emoji).
Agad na nag-trending ang naturang posts at naglabasan ang mga sari-saring haka-haka lalo na nang bigla ding nag-deactivate ng naturang socmed si Isabel.
Tanong ng marami, “anyare? Ano ang pinagdadaanan niya o nila ni John Lloyd? Naghiwalay na kaya sila? Hala.”
Matatandaang nito lamang nakaraang dalawang linggo ay masaya pa silang magkakasama nina Ellen Adarna at mga kaibigan sa kanilang Boracay trip at puring-puri pa ni Ellen ang pagiging “best mom” daw ni Isabel sa kanyang anak kay Derek Ramsay at higit ang anak sa kanya ni John Lloyd.
Ang ending tuloy ay may intrigang kumakalat na marahil ay baka may diumano’y “ahasan o sulutan” na namang naganap sa dating mag-partner na sina Ellen at Lloydie?


