Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Celeste Cortesi, pinilit lang magsalita pabor kay Jonathan Sterling?

Sa ulat na inilabas ng Bilyonaryo News Channel matapos magbigay ng official statement ang Sparkle Artist Center ng GMA 7 para kay Bianca Manalo, tila may source silang nagsasabing “napilitan” lamang umano si Celeste Cortesi na bigyan ng “magandang imahe” ang kanyang tech millionaire boyfriend na si Jonathan Sterling.

Matatandaang kahit sa mga socmed sites kung saan nagsimula ang tsismis na diumano’y si Bianca ang third party sa napabalitang ‘gusot’ nina Cortesi at Sterling, wala ng bakas ng anumang usapan tungkol dito.

Sa ginawa namang paglilinaw ng Sparkle Artist kung saan sinabi nilang “single at walang karelasyon si Bianca,” may mga naniniwala pa ring tila may pagtatakip umano para sa beauty queen actress.

Marami din ang nagtataka kung bakit parang “orchestrated” diumano ang pagpapalabas din ng statement ni Cortesi na “ok sila” ni Sterling at naka-focus sila sa kalagayan ng magiging anak nila na tatawagin nga nilang si Sergio.

Parehong nasa Sparkle Artist Center ng Kapuso network sina Cortesi at Manalo.

Muli lang umingay ang isyu ng diumano’y pang-aahas ni Manalo sa bf ni Cortesi dahil sa latest na panunumpa na ginawa ni Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President ngayon at tumatayong lider ng majority block.

May mga naghanap at nagtanong kasi kay Manalo na noon nga’y very active at supportive sa bawat ganap ng dating boyfriend nito sa Senado.

May mga nanunukso pa nga sa nasabing tsismis sites na hindi daw kaya makipagbalikan ang beauty queen actress sa Senador na biglang naging “bida at most sought after” na bachelor? Kesa naman daw manatili ang image nitong mang-aagaw at mapanira ng relasyon sa sinasabing tech millionaire bf ni Cortesi na si Sterling.

Bigla ding naglabasan sa ilang tsismis sites ang matagal na ding naka-relasyon na Mayor ni Manalo mula sa isang lugar sa Visayas kung saan naaksidente sila na halos muntik na silang malunod sa isang Holy Week vacation nila some years ago.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles